Advertisers
ISANG kasunduan ang nilagdaan ng Las Piñas City government at Department of Agriculture para sa paglulunsad ng Enhanced Kadiwa Inclusive Food Supply Chain Program ( EKIFSCP) na sumisiguro sa pagkakaroon ng pagkain at accessibility ngayong panahon ng pandemya.
Sinabi ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar na sa ilalim ng memorandum of agreement , ang nasabing kagawaran ng agrikultura ang siyang magbibigay ng financial grant assistance sa mga kuwalipikadong organisasyon na lalahok at ng local government units (LGUs) upang mapagbuti ang kanilang kapasidad sa mga karagdagang makabuluhang aktibidad sa food supply chains mula naman sa aggregation, processing, packing, store, warehousing at transport hanggang sa distribusyon.
Aniya, ang proyekto sa ilalim ng kasunduan ay nakatuon sa implementasyon ng dalawang KADIWA Stores sa lungsod kung saan ang layunin ay pondohan ang piling market vendors para sa renobasyon at pagsasaayos nito.
Bilang suporta sa proyekto,binigyang diin ng alkalde na marapat na i-download ng DA ang pondo na ipagkakaloob sa Pagsasarali Talipapa Multi-purpose Cooperative at ng Las Piñas Meat Dealers Association na parehong organisasyon na tatanggap ng tig-isang milyon piso.
Nabatid sa ulat na obljgasyon ng DA sa pamamagitan ng kanyang Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS) na magkakaloob ito ng financial grant sa lungsod ng P2-M na popondohan sa ilalim ng Market Development Services of FY 2021 General Appropriation Act 11518.
Sa panig naman ni Vice-Mayor April Aguilar, aniya ang DA’s financial grant’s fund ay gagamitin para sa implementasyon ng “Enhanced Kadiwa ni Ani at Kita Financial Grant Assistance Program” na ilalabas ng buo alinsunod sa aprubadong panukalang proyekto.
“On our side, the city’s obligation is to implement the approved project and shall see to it that it will be in accordance with the approved project objectives, standards, systems and procedures for project implementation, and the approved Work and Financial Plan contained in the agreement,”pahayag ng bise-alkalde
Idinagdag pa na ang funding assistance ay manggagaling sa DA na ilalabas ng buo o ng tranches depende sa nature at pangangailangan ng proyekto.(JOJO SADIWA)