Advertisers

Advertisers

Manager at stude nabiktima ng Basag Kotse sa Cavite

0 335

Advertisers

NABIKTIMA ng ‘basag kotse gang’ ang isang manager at estudyante kungsaan aabot sa P300,000 halaga ng mga mahahalagang gamit ang natangay sa mga ito sa parking area ng Derma, sa Barangay Biga 1 Silang, Cavite, Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Glenn Rosales, 51 anyos, may asawa, Spectrum manager, ng Rosa, Laguna; at Kimberly Briones Coloma, 26, student, ng Lipa City Batangas; na kapwa costumer ng Dermatologist Solution.

Sa imbestigasyon ni Patrolman Menervin M. Castillo, may hawak ng kaso, 5:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa parking ng Dermatological Solution sa E. Aguinaldo Highway, Brgy. Biga 1, Silang kungsaan nag-park ang mga biktima.



Sa ulat, Ford Everest na may conduction sticker COZ004 ang sasakyan ni Rosales, habang KIA Seltos (CBL4442) ang kay Coloma.

Binasag ang rear windshield ng Ford Everest at nawala rito ang isang Acer laptop na nagkakahalaga ng P32K, iPhone 7 ( P8K) at shoulder bag (P8K).

Ang Kia Seltos naman ay basag ang kanang bahagi ng windshield at nawawala dito ang MacBook laptop na nagkakahalaga ng P75K, Loui Vuitton travel bag (P70K), Dyson hair blower (P30K) at necklace (P15K).

Aabot sa mahigit kumulang sa P300 thousand ang halagang natangay sa dalawang biktima. Kasalukuyan nang nagsasagawa ng follow up ang pulisya na nangangalap ng CCTV camera sa pinangyarihan ng insidente. (Irine Gascon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">