Advertisers
UMISKOR si Zach LaVine ng game-high 32 points upang tulungan ang Chicago Bulls na ilista ang ika-apat na tagumpay sa kanilang huling limang laro, laban sa Denver Nuggets 109-97 sa Chicago.
Naisalpak ni LaVine ang 13 sa kanyang 23 field goal attempts at eight assists upang punuan ang pagkawala ni Demar DeRozan, na inilagay sa NBA’s health at safety protocols bago ang laro.
De RoZan ay pang-apat sa league scoring na may 26.4 points per game.
Nikola Vucevic at Lonzo Ball nag-ambag ng tig-20 points at 10 rebounds.Derrick Jones bumakas ng 12 points at rookie Ayo Dosonmu umiskor ng 11 sa kanyang unang salang sa NBA.
Nikola Jokic nagtala ng triple-double na 17 points, 15 assists at 12 rebounds para sa Denver, Will Barton at Monte Morris bumakas ng tig-19 puntos, Habang si Aaron Gordon nag-ambag ng 18 at Jeff Green bumakas ng 14.