Advertisers
BACOLOD CITY – Patay ang magda-dalawang taon gulang na baby sa ligaw na bala sa Purok Malunao, Barangay Caduha-an, Cadiz City, Negros Occidental nitong Linggo, Disyembre 5.
Sa ulat ni Police Lt. Alfonso Precia, deputy police chief ng Cadiz City Police Station, sumakabilang buhay ang baby nitong Disyembre 6.
Base sa imbestigasyon, sinabi ni Precia na naglalaro lang ang bata sa loob ng kanilang bahay kasama ang kanyang pamilya nang umalingawngaw ang putok ng baril.
Isa pang putok ng baril ang narinig at ilang sandal lang ay biglang tumumba ang bata na duguan na ang ulo.
Disyembre 7 sumuko sa mga pulis ang isang forest ranger na kinilalang si Nomar Ayan Berto, 46, ng Barangay Caduha-an at inaming nagpaputok siya ng .45 caliber, Linggo ng hapon.
Sinasabing kamag-anak si Berto ng pamilya ng biktima at ngayon nakakulong na.