Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MARAMING binago ang pandemya na dulot ng pangdaigdigang health crisis dahil sa Covid-19.
Katunayan, ang industriya ng pelikulang Pilipino ay labis ding naapektuhan dahil sa restrictions ng IATF sa bansa.
Sa paggawa rin ng mga pelikula at serye, nauso ang lock-in tapings at shoots bukod pa sa required quarantine sa film workers.
Dahil nauso ang work from home at bawal lumabas noong kasagsagan ng coronavirus, naging libangan din ng mga tao ang panonood ng pelikula sa iba’t ibang streaming sites tulad ng Netflix atbp.
Sa ngayong nagbukas na ang mga sinehan, 50 percent pa lang ng capacity ang allowed sa mga sinehan.
Ayon sa Cannes award-winning director na si Brillante Mendoza, nasubukan ang pisi ng isang filmmaker na tulad niya sa “new normal. ”
Gayunpaman, naniniwala naman siyang hindi dapat na makumpromiso ang creativity ng isang filmmaker sa new normal.
Kaya naman, ito rin ang dahilan kaya in-explore na niya ang digital platform tulad ng Vivamax.
“Sa ngayon na bumabalik na ang theatrical screening, we might as well maximize iyong ibang platform. Wala namang pagbabago dahil pareho lang ang ginagawa namin as long na the passion and dedication is there, ” aniya.
Ani Direk, first time raw niyang gumawa ng mainstream LGBTQ movie at so far ay na-enjoy niya ang buong proseso.
Gayunpaman, kahit pa masasabing mainstream ang kanyang pelikulang “Palitan”, hindi raw naman nawawala ang pang-festival quality sa kanyang mga obra.
Palitan daw ang titulo ng kanyang pelikula dahil maraming layers daw ang kuwento hindi lang sa pagpapalit ng partner kundi sa pagpapalit ng preference o emosyon ng kanyang mga karakter sa pelikula.
Ang Palitan ay tungkol sa kuwento ni Jen, isang bisexual na nakatakda nang ikasal sa nobyong si James (Luis Hontiveros).
Sa pagdalaw nila sa probinsya, muling manunumbalik ang pagsinta niya sa kababatang si Marie (Jela Cuenca) na ikakasal na sa fiance nitong si Al (Rash Flores).
Kung paanong binago ang mga karakter ng kanilang choices sa buhay ay dapat abangan.
Mapapanood na ang pelikula sa Vivamax simula sa Disyembre 10.