Advertisers

Advertisers

Kapal ng mukha ang puhunan!

0 338

Advertisers

SAAN humuhugot ng lakas ng loob at kapal ng mukha itong si former Vice President Jejomar Binay para maghangad pa at mangarap na maging senador ng bansa?

Tatakbo umanong mambabatas ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senate) itong si Binay sa darating na halalan sa Mayo 2022 kung kaya’t ngayon pa lamang ay panay na ang ikot at dalaw nito sa mga dati nitong financiers/supporters na karamihan ay malalaking negosyante sa Makati at iba pang pangunahing lungsod sa buong bansa.

Nakakagulat ang naipong lakas ng loob nitong si Binay sa mga litanyang kanyang binibitiwan sa mga business tycoons na kanyang dinadalaw at kinukumbinse.



Nais umanong maging senador ni Binay upang matulungan ang mga Pilipino at ang pamahalaan na muling ibangon ang lugmok na estado ng ekonomiya at pamumuhay ng bawat mamamayan.

Look who is talking!
Nasaan ba si Jojo Binay nang pumutok ang pandemya dito sa ating bansa?

Lumabas ba ito sa lansangan upang pumagitna,daluhan at tulungan ang kanyang mga kababayan?

Nagpakita ba ito kahit katiting na malasakit sa kanyang mga kababayan?

Kahit na nga lamang sa balwarte niyang lungsod ng Makati.
Lumipas ang halos mahigit isang taon, walang Jojo Binay na nakita ang mga taga-Makati.



Nanduon siya sa comfort ng kanyang mala-palasyong tahanan at nagtatago sa tao dahil baka raw ito mahawa ng virus lalo pa nga at senior citizen na ito.

Kahit ang mga mismong mga kapitbahay nito sa kanyang barangay ay walang nabalitaang kilos ni Binay para makisimpatya at tumulong sa kanyang mga mahihirap na kalugar diyan sa Makati.

Ngayong mag-eeleksyon, nauna pa itong mag-anunsyo ng kanyang balaking tumakbong senador?

Bakit?

Ano ang palagay mo former VP Binay, bobo, tanga at madaling makalimot ang mga tao?
Kung sa pagka-congressman ng 1st district ng Makati ay nangamote ka nga laban kay Cong. Kid Pena,plano mo pang pumalaot sa national elections!

Kapal ng face!

Ang masakit pa nito, mga lehitimong negosyante pa ng bansa ang iyong binubulabog at kinakalampag.

Kung gusto mong tumakbong senador, bakit hindi sarili mong pera ang aksayahin at lustayin mo?

Bakit pati ibang tao ay pineperwisyo mo?

Saan ka kumukuha ng kapal ng apog para umikot at magsolicit ng campaign funds?

Bakit, may asim ka pa ba after two consecutive loses?

Ika nga sa kasabihang Ingles, “NOBODY LOVES A LOSER”!
At mind you former VP Binay, hindi ka ordinaryong talunan, isang kang laos na pulitiko.

You have lost your political clout a long time ago.

Kawawa naman ang sino mang campaign financier na tataya o pupusta sa isang “has been and old inutile politician”.

Kahit pang singkuwenta sa listahan sa mga tatakbong senador ay hindi ka makakapuwesto lalo pa nga’t ngayon ay sobrang higpit ng labanan.

Marami ang mga cabinet members ng Duterte regime ang sasabak sa eleksyon sa Senado, mga comebacking at reelectionist senators, mga talunang miyembro ng Otso Derecho sa Inidoro at iba pa.

Saan ka pupulutin Mr. Jojo Binay.

Kahit barangay kagawad, ayon sa mga taga-Makati, mahihirapan ka pang manalo.
“Laos na raw umano ang mga Binay pagdating sa pulitika sa Makati City bagamat si Abby pa rin ang sitting mayora”, mga Campos na umano ang bida.

Abby si a former Binay ngunit Campos na siya ngayon dahil esposo niya si Makati 2nd district Congressman Luis Campos na allergic sa istilo ng pulitikang Binay.

Patunay ang pagbasura at pagdurog ni Cong. Campos sa political career ni Junjun Binay na tinawag niyang taal na taga Makati dahil literal na “MAKATI” talaga umano ang kamay.

Kung ano ang nais o gustong iparating na mensahe nitong si Cong. Campos ay hindi na tayo interesado.

Ang malinaw, nag-uulyanin na talaga si Binay at kung anu-anong ilusyon na ang pumapasok sa kanyang isipan.

Lagot na nga bang ganap ang isip ng dating bise presidente sa reyalidad at katotohanan ng buhay?

O sadyang ninanais pa nitong makabalik sa mainstream ng politics to regain lost glory, fame,power and wealth?

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com