Advertisers

Advertisers

Mainam kung ipaglalaban ni Eleazar ang lahat ng mga mangingisda

0 426

Advertisers

BAGAMAT napakalapit ng puso ni retiradong Philippine National Police (PNP) chief Guillermo Lorenzo Tolentino Eleazar sa pulisya, hindi niya kinaligtaan at benalewala ang ibang sektor ng Pilipinas sa kanyang kandidatura sa pagkasenador.

Isinama ni Eleazar ang mga mangingisdang naninirahan sa Pag-asa Island sa kanyang ipaglalaban kapag nanalong senador sa halalang isasagawa sa Mayo 9,2022.

Aniya, kikilos siya upang matulungan ang buhay at paghahanag-buhay ng mga mangingisda o mamamalakaya sa Isla ng Pag-asa.



Ipinangako ito ni Eleazar sa mga mangingisda nang makita niya ang kalunus-lunos at kaawa-awang kalagayan ng mga mangingisda bunga ng pang-aapi at pananaboy ng mga Chinese.

Inangkin na kasi ng China ang Pag-asa Island kahit napakalinaw sa mapa ng Pilipinas na bahagi ito ng Pilipinas.

Pasok na pasok sa teritoryo ng Pilipinas ang Isla ng Pag-asa alinsunod na rin sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Pinagtibay ito ng pandaigdigang korte noong 2016.

Ngunit, hindi kinilala at hindi tinanggap ng pamahalaan ng People’s Republic of China ang nasabing desisyon.



Pokaragat na ‘yan!

Isa sa mga resulta ng pambabastos ng China sa tagumpay ng Pilipinas ay ang pangwawalanghiya sa mga mangngisdang Pilipino.

Pinagbawalan nilang mangisda ang mga Pilipino sa sarili niyang karagatan, kaya sinapit at patuloy na dinaranas ng mga mangingisda at mamamalakayang Pilipino, tulad ng mga naninirahan sa sa Isla ng Pag-asa, ang pang-aapi at pagbabalewalang mabuhay.

Pokaragat na ‘yan!

Kaya, para sa akin magandang napansin at nangako si Eleazar para sa interes, kagalingan at kabuhayan ng mga mangingisda sa Isla ng Pag-asa.

Naniniwala akong totoo ang pangako ni Eleazar dahil hindi naman siya tusong pulitiko.

Siya ay nagtrabaho para sa mga Pilipino sa napakatagal na panahong pagiging opisyal niya ng PNP.

Nagretiro siya noong Nobyembre 13 ng kasalukuyang taon makaraang abutin niya ang “mandatory retirement” sa PNP na edad 56.

Kinuha si Eleazar ng Partido Reporma (Reporma) na pinamumunuan ni Senador Panfilo Lacson bilang isa sa mga kandidato sa pagkasenador dahil sa taas ng tiwala at paghanga ng beteranong mambabatas sa retiradong PNP Chief.

Naging PNP Chief din noon si Lacson.

Bagamat magandang napansin ni Eleazar ang mga mangingisda sa Isla ng Pag-asa, hindi ito sapat.

Dapat lahat ng mga mangiginsdang Pilipino mula tuktok ng ulo ng Luzon hanggang sa ilalim ng talampakan ng Mindanao ay isamna ni Eleazar sa kanyang pagtungo sa Senado.

Higit na makabubuting lahat ng mga mangingisda ay kasama sa mga ipaglalaban, ipagtatanggol at ipagtatagumpay ni Eleazar kung sakaling senador na siya mula 2022 hanggang 2028.

Ito’y iisa lang naman ang adyenda, interes, kagalingan at hinaing ng mga mangingisda at mamamalakaya sa iba’t ibang panig ng bansa.

Nagkakaiba lang sila sa ilang isyu, sapagkat mayroong pekulyaridad ang bawat pangkat ng mga mangingisda sa bawat lugar ng ating bansa.

Maliban sa suliranin ng mga mangingisda ang China, suliranin din nila ang sobrang higpit ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Department of Agriculture (DA) sa pagpapatupad ng batas sa pangingisda.

Ginagamit ng mga korap sa BFAR ang batas upang pagkakitaan ang mga mangingisda.

Pokaragat na ‘yan!

Maging ang mga korap na opisyal at miyembro ng PNP, partikular ang Maritime Group, ay pinagkakaperahan din ang mga mangingisda.

Maliban sa tara o padulas, nanghihingi pa ng mga isda ang mga pulis.

Pokaragat na ‘yan!

Parehas din ang raket sa kanila ng mga taga-Philippine Coast Guard (PCG).

Bakit ko alam ito?

Mayroong akong nauugnayang malaking grupo ng mga mangingisda at mamamalakaya na hindi matapus-tapos ang mga binanggit kong sinasapit nila mula sa BFAR, PNP-Maritime Group at PCG.

Kaya, maganda kung makakausap din ni Eleazar ang ibang samahan ng mga mangingisda uipang matuklasan niya ang napakaraming pahirap sa buhay ng mga mangingisda.