Advertisers

Advertisers

Marian deadma sa mga kontra sa pagiging judge sa Miss U

0 418

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

DUMATING na sa bansang Israel si Marian Rivera-Dantes kasama ang kanyang mister na si Dingdong, para maging isa sa hurado sa darating na final night ng Miss Universe 2021 sa Dec. 12  o Dec.13 sa Pilipinas.

Tuloy lang si Marian sa pagiging judge ng naturang beauty pageant kahit pa maraming kumukuda sa pagiging hukom niya. Para kay Marian, wala na siyang pakialam sa mga ayaw sa kanyang maging judge, ang importante ay nagawa niya ang isang project na pambihirang maibigay sa mga katulad niyang Pinay na artista.



“Para sa akin, isang malaking karangalan ang maging isa sa judges ng Miss Universe kaya naman buong puso ko talaga itong tinanggap,” say ni Marian.

Ang tanong, ano naman kaya ang magiging basehan ni Marian para makapili ng bagong Miss Universe? Pasok ba naman sa criteria niya ang ating pambatong si Beatrice Luigi Gomez, Miss Universe Philippines 2021?

“Ayaw kong sabihin na may hinahanap ako, pero mas excited ako na pumunta doon para mas ma-appreciate ko at masaksihan ang kagandahan ng mga kababaihan sa iba’t ibang panig ng mundo. Siguro, hindi lang ‘yung kagandahan nila, kung hindi siguro ‘yung tapang din nila na maibalik ang humanity sa ating mundo sa kabila ng mga radikal na pagbabago na nangyari sa atin dahil sa pandemya. So I’m very excited na makilala ko silang lahat” dagdag na say pa ni Marian.

***

HINDI maalis ang labis na paghanga ng bagong producer ng movie ni Gina Pareno, na si Ms. Teresita Pambuan Tolentino, ang ‘Minsa’y Isang Alitaptap’ na magsisimula nang mag-streaming ngayong Dec. 15 hanggang 24 at ang tiket ay available now sa KTX. Phil of ABS-CBN.



Sa edad kasi ngayon ni Gina na nasa early 70’s na ay keri pa nitong magsaulo ng mga mahahabang linya habang umaakting.  Lumalaban pa si Gina sa mga bagets na aktor sa pahabaan ng pagme-memorize ng kanilang script.

“Mahal na mahal ko ang propesyon na ito. Kaya simula na mag-artista ako ay lagi kong kinakabisa muna ang aking script bago humarap sa kamera,” say ni Gina.

Isang insulto kasi kay Gina sakaling magti-take two ang kanyang ginawang eksena.

“Yan na talaga ang nakasanayan ko, always take one. Ginagamit ko ang tenga ko sa pagsasaulo ng mga linya ko. Kasi feeling ko pag nag-take si direk ng eksena ko, hindi ko nagawa nang maayos ang aking trabaho. At nakakawala ng gana kasi binubuhos ko lahat talaga ang aking emosyon at akting sa unang sigaw pa lang ni direk ng ‘aksyon’.

“Sa awa naman ng nasa Itaas ay laging ganun ang mga eksena ko,” dagdag na say pa ng magaling at beteranang aktres.