Advertisers

Advertisers

PBA, MPBL, BALIK-AKSYON

0 229

Advertisers

BUKAS na ang Season 46 PBA GOVERNOR’s CUP at kasabaysa agawan ng eksena ang MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE (MPBL)na susunod ang opening sa MALL of ASIA Arena (Dec 11). Wala pa ringlive participation sa audience pero at least tuloy ang laban.

Ngayon lang sasabak ulit ang PBA imports mula 2019.

Mahirap pa rin ang sitwasyon dahil dumaraan sa quarantine ang imports.Magastos, hindi biro ang pagkuha ng import sa pandemic kaya saludokami sa effort at determinasyon ng kampo ni Kume WILLY MARCIAL paratuloy ang 2nd conference. Dito na sa National Capital Region (NCR) anglaro, sa YNARES Sports Arena sa Pasig, hindi tulad ng mga una, salabas ng NCR.



Si ARWIND SANTOS na popular bilang pambato ng BEERMENsa bagong jersey representing NORTHPORT BATANG PIER ang tampok kapagnakaharap ang nag-trade na SAN MIGUEL BEER sa bagong bihis nito mulasa rigodon ng players. Tutok ang fans sa debut game ni ARWIND saNORTHPORT. Aagaw ng pansin kung aalagwa na ang team para pumasok sakampeonato. Nakabantay ang fans sa pinalakas na line-up ng NORTHPORT:ARWIND SANTOS, GREG SLAUGHTER, ROBERT BOLICK, JAMIE MALONZO, KEVINFERRER, ARTHUR DELA CRUZ, JERVY CRUZ, JONATHAN GREY, JERRICK BALANZA,PAOLO TAHA, NICO ELORDE, CLINT DOLIGUEZ, GARVO LANETE, TROY RIKE,RENZO SUBIDO at CAMERON FORTE (import),

Malakas ang line-up at siguradong mainit na naman angmga mata ng fans kay Coach PIDO JARENCIO kung di sila kuntento sabalasa ng players. Pareho ang sitwasyon sa bagong-bihis na BEERMEN,sisipatin ng fans ang ikot ng mag-aalak sa kamay ni Coach LEO AUSTRIA.

Meanwhile, may 22 teams ang CHOOKSTO GO MPBL InvitationalTournament at balita namin ay favorite teams ang NUEVA ECIJA RICEVANGUARDS at PASIG STA. LUCIA REALTORS.Maraming kaabang-abang! Sana lang, tuluy-tuloy na yan!

LA GRETA, SHOWBIZ SANTA CLAUS, SINO SA SPORTS?

HINDI namin maiwasang mag-isip ng posibleng lumabas naSANTA CLAUS, kung meron nga, sa Sports Community. Alam namin namaraming Sports icons ang matulungin especially sa kanilang fans, peroyung partikular na ala-Santa Claus, meron kaya?



HAPPY kasi ang ilang showbiz scribes, natenggang artistaat iba pang nasa industriya sa surprise gifts na ipinamahagi ni LAGRETA aka GRETCHEN BARRETTO. Very grateful din ang sissy naming siPAMELA ORTIZ na kahit may project ding dumarating (kasama siya saBALANGIGA 1901 film ni Direk DANNY MARQUEZ with EJ FALCON, JASONABALOS, RICARDO CEPEDA, RAMON CHRISTOPHER, JEFFREY SANTOS, DAN ALVARO,et al), kabilang siya sa gift of love ni LA GRETA ngayong Yuletide,isang sakong bigas at bonggang grocery items huh!

Hindi lang yung items mismo ang masarap sa pakiramdam ngmga naalala kundi yung love and concern sa kapwa o mga kasama saindustriya. Napa-throwback tuloy kami..sa first interview kay LAGRETA, sa studio nung AB MASSCOM student pa lang ang yours truly saFEU.. yung mga napapabulong sa nakabackless na aktres, “Likod pa lang,ulam na!” Di ba, si LA GRETA ang unang artista sa BARRETTO siblings,the prettiest..matangkad, di chubby.Well, mas pretty pala by heart,very generous. Wala po ako sa gift list noh but I’m happy for myfriends na nagbabalita ng saya sa maagang pamasko. Ilang kembot nalang po, HAPPY YULETIDE! HAPPY READING!