Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
MAPAPANOOD na ang pelikulang Palitan sa Vivamax sa Dec. 10. Tampok dito sina Jela Cuenca, Cara Gonzales, Luis Hontiveros, at Rash Flores, mula sa pamamahala ng internationally-acclaimed director na si Brillante Mendoza.
Kung bibigyan ka ng isang gabi para makasama ang iyong tunay na minamahal, gagawin mo ba ito? Isusugal mo ba ang lahat ng iyong pinaghirapan, at bawat relasyon na mayroon ka para mapagbigyan ang iyong sarili at makuha ang inaasam-asam?
Ito ang matutunghayan sa pelikula na isang obra tungkol sa apat na taong pinagtagpo ng pag-ibig, pagkakaibigan, at tawag ng laman.
Ang Palitan ay isang upcoming GL (Girls love), sexy-thriller na pelikula na mapapanood sa Vivamax. Kuwento ito ni Jen (Cara), isang openly bisexual na babae at ang kinakasamang si James (Luis), na may pinagdadaanang depresyon.
Magulo at komplikado ang kanilang relasyon ngunit nagagawan pa rin nila ng paraan na hindi bumitaw sa isa’t isa. Para makalimot at makapahinga sa problema ng pandemic, magpupunta sila sa probinsiya ni Jen, pero ang sasalubong pala sa kanila ay isang tao mula sa nakaraan ni Jen na kailanman ay hindi niya nakalimutan, ang tunay niyang pag-ibig, si Marie (Jela), na ngayon ay ikakasal na sa kanilang kaibigan na si Al (Rash).
Magkikita-kita at magre-reunion ang apat, na mauuwi sa isang mainit at mapusok na gabi sa pagitan nina Jen, James, Marie, at Al. Hahayaan nila ang mga sarili na magpadala sa natatago nilang pagnanasa sa isa’t isa. Higit sa mga mapupusok at sexy na mga eksena, may mga aral din patungkol sa buhay ang pelikulang Palitan, ang tanggapin kung sino ka talaga, humingi ng tulong upang kalabanin ang mga problema, lumaban sa mapanghusgang mundo, at maniwala at manalig sa mga sariling desisyon. Ilan lang ito sa maraming bagay na mapupulot sa panonood ng pelikulang ito.
Ano ang naramdaman niya after mapanood ang kanilang pelikula sa ginanap na special screening nito sa Gateway Cinema-4 last Tuesday?
Tugon ni Rash, “Ang na-feel ko kanina ay sobrang saya ko nang napanood ko ang pelikula. Lalo na at first movie ko ito na lead na ako at Brillante Mendoza pa ang direktor namin. Sobrang saya ko, wala nang makakatumbas sa sayang naramdaman ko kanina nang napanood ko ang pelikula namin.
“Tapos, first time kong nakita ang mukha ko sa big screen, dati ko lang kasing pinapangarap iyon, eh. Then, ngayon ay natupad na sa tulong ng mga taong nakapaligid sa akin at siyempre, si God. Kaya sobrang saya ko talaga nang napanood ko iyong movie.”
May nag-comment na parang may sumilip kay Rash nang hubarin niya ang suot na short para romansahin si Jela sa isang eksena na naliligo sila sa water falls.
Ano ang reaction niya rito?
Nakangiting wika ni Rash, “Sa akin, okay lang naman ‘yun kung nakita ang junjun ko. Okay lang iyon basta kasama sa eksena, basta ikagaganda ng istorya ay okay na okay ako roon.
“Basta ipinagawa sa akin ni Direk Brllante, okay ako roon. Kung ano ang ikagaganda ng eksena, kung kailangang magpakita ng ganoon, gagawin ko. Kasi, iyon ang trabaho namin bilang artista, na gampanan ang role namin sa pelikula.”