Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MAY mga sitsit na may personalan daw naganap kung bakit niligwak ni Bea Alonzo na makasama si Rayver Cruz sa isang mini series.
Marami ang nababawan na netizens sa mga dahilan ni Bea kung bakit nga niya ni-reject na makasama si Rayver sa project.
Friend daw pala ni Rayver si Gerald Anderson na ex ni Bea na tinitignan na dahilan.
Nakita raw na naka-post sa socmed ni Rayver sa kanyang birthday na umaten si Gerald at gf nitong si Julia Barretto.
Kaya kanya-kanyang reaksyon naman ang mga netizens na eh ano naman daw kung kaibigan ni Rayver si Gerald dahilan na ba raw ‘yun para ayaw ni Bea na makasama ang aktor.
Mas pinaboran pa nga ni Bea na piliin sina John Lloyd Cruz, Dingdong Dantes at Alden Richards para makasama sa project kaysa kay Rayver dahil BFF nga nito si Gerald.
Kaya obvious na napersonal si Rayver kuda pa ng mga netizen. Hmmmp!?
***
Martin Nievera trip maka-duet ng Rock Diva na si Rozz Daniels
TUBONG Bohol at Dumaguete ang pinangaralan ng Phoenix Excellence Awards bilang Most Pronising Female Pop Rock Diva of the Year na si Rozz Daniels kamakailan kasabay ng kanyang mini show-presscon sa Overview sa Roces, QC.
Sa kuwento ni Ms. Rozz, halos lahat ng amateur singing contest sa kanilang lugar ay sinalihan niya at wala siyang pinapalagpas.
Hindi naman daw siya umuuwing luhaan dahil winner si Rozz sa mga sinasalihang singing contest.
Hilig talaga nito ang pagkanta at kahit nakabase na ito sa Tate ay talagang first love nito ang singing at hinahanap-hanap ng Rock Diva.
Lalo na nga raw nung mag-asawa at magkaanak at doon na pumokus si Ms. Rozz sa pagiging housewife at mother at pansamantalang tumigil sa kanyang kinahihiligang kanta.
At nang dumating na ang kanyang KUMU na may titulong The Rocks & Rozz Show na siyang ginawang outlet para makakanta at talaga namang ini-enjoy ni Rozz ang kantahan kasama ang mga anak-anakan na napakahuhusay kumanta na sina Derf Dwayne, Harold Evangelista at Jerome Sangalang kasama rin sina Analyn Torregosa at Ate Blessie.
Till 29 na lang ng Disyembre taong kasalukuyan ang Rock Diva dito sa Pinas at balik Tate na si Ms. Rozz after ng kanyang activities sa bansa.
Kung anong plano sa kanyang singing career, marami raw siyang gustong mangyari tulad ng album at concert. Katunayan, may ire-record na ito na single.
If ever magkaroon naman ng concert itong Pop Rock Diva, sino ba ang gusto nitong maka-duet, talagang pinapangarap daw niyang mapagbigyan siya ni Martin Nievera. Grabe raw ang bilib nito sa singer na talagang performance level kapag umawit na on stage.
Kung bakit ‘di si Gary V. ang napili ay ngiti na lang ang sagot ni Ms. Rozz basta si Martin ang gusto nitong maka-duet, ‘wag na ipilit si Gary V.
Well, well, well…’Yun na!