Advertisers

Advertisers

Diego at Barbie nagli-live in na

0 328

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

DAHIL sa may temang live-in ang kauna-unahang pelikulang pinagsamahan ng real life sweethearts na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga, ang “Dulo,” hindi nakaiwas ang dalawa sa mga tanong na may kinalaman sa live-in, lalo pa nga’t natsitsika rin na nagli-live in na umano silang dalawa.

“Sa akin, feeling ko po talaga, depende talaga po. Kasi, marami rin akong kakilala na nag-live-in na agad and ’yun po talaga ang nagpa-ayos sa relationship nila. At may mga kilala rin po ako na nang mag-living-in sila, hindi pala talaga sila match. So, depende sa tao na magli-live-in talaga,” say ni Barbie.



“Ako naman, in a perfect world, a perfect scenario is if you’re dating someone, halimbawa, naging kayo today, dapat in the next three months, merong trial period.

“Like, for a weekend, sleep ka muna do’n, then, next weekend, sleep ka naman dito. Parang progressive.  Hindi siya dapat biglaan na, ‘Bang! Okay, dito na ‘ko titira. Ililipat ko na lahat ng gamit,” say naman ni Diego.

***

ROZZ DANIELS, ON HER WAY TO THE TOP

NASA Pinas ngayon ang tinaguriang Soft Rock Diva na si Rozz Daniels. Dalawa ang pakay ng US-based Diva sa pagbabalik bansa niya matapos halos ang 3 dekada na hindi siya nakauwi ng bansa.



Una ay para dalawin ang kanyang ina at mga mahal sa buhay, at ang pangalawa ay para naman pagbigyan ang sarili na matupad ang pangarap na maging isang tanyag na singer ng bansa. Kasama na rin sa pagbabalik bansa ni Rozz ay ang pagkakaroon niya ng mga instant ‘anak’ na pawang kasamahan niya sa kanilang sariling show sa Kumu na pinamagatang “The Rocks and Rozz Show”. Kasama niya sina Blessie Cirera, Jerome Sangalang, Harold Evangelista, Irelyn Arana, Derf Dwayne at Analyn Torregosa.

Kamakailan din ay tinanggap ni Rozz ang isang parangal mula sa Phoenix Excellence Award 2021 as the Most Promising Female Pop Diva of the Year.

Habang nasa bansa ay inihahanda na ni Rozz ang kanyang kauna-unahang album na nakapaloob ang 2 kantang ginawa ni Ivy Violan para sa kanya, ang “Alay Sa Iyo” at ang “Bakit”. Bukod sa mga kantang ito ay may plano rin si Rozz na gumawa ng mga Visayan Rock songs.

“Espesyal sa akin ang pagkanta. Kapag kumakanta ako, inilagay ko ang aking buong kaluluwa sa kanta. Sa pamamagitan ng musika, nagpapahayag ako ng emosyon at lumikha ng isang koneksyon sa pagitan ko at ng nakikinig,” say ni Rozz.

Dahil ang pamilya ni Rozz ay nasa Amerika at dito sa ating bansa niya nais na makilala ang kanyang mga awitin at mapakinggan ang kanyang magandang boses, willing si Rozz na iwanan ang marangyang pamumuhay sa States pag nabigyan ng magandang break ang kanyang hilig sa pagkanta.

Kasama na rin sa plano ni Rozz ngayong darating na bagong taon na mabigyan din ng katuparan ang mga pangarap ng kanyang tinuring na mga ‘anak’ na pawang may angking magandang tinig, sina Jerome, Harold, Derf  at Analyn.