Advertisers
NAGREHISTRO si Caleb Martin ng career-high na 28 points upang tulungan ang Miami Heat na ilista ang 113-104, wagi laban sa Milwaukee Bucks sa FTX Arena kahapon.
Pansamantalang ipinasok sa starting line up ng Heat si Martin upang palitan ang injured na si Jimmy Butler.
Gumana naman sa opensa si Martin na naipasok ang anim sa walong pagtatangka sa 3-point areas para iposte ng Heat (15-11) ang franchise record na 22 mga 3s laban sa NBA champions.
Hindi rin nagpahuli sa kanilang performance sina Kyle Lowry na may 22 points at 13 assists habang si Max Strus ay naipasok lahat ang kanyang tira sa fourth quarter na 16 puntos para tuldukan ang tatlong sunod-sunod na talo sa kanilang teritoryo.