Advertisers

Advertisers

Isip, isip DepEd?

0 586

Advertisers

MAHIRAP tukuyin kung tunay kaya na may ilang bobo sa tanggapan ng Department of Education (DepEd) na pasimuno sa ibat-ibang palpak na desisyon, kabilang dito ang pagkakaroon ng face-to-face classes at gawing pilot project ang mga batang mag-aaral na nasa pagitan ng 5 hanggang 11 ang edad.

Ang mga mag-aaral na na nasa kindergarten ang karaniwang kalahok sa mahigit sa isang linggo nang ipinatutupad na face-to-face classes.

Kung tutuusin, sila ay mga child of tender age, walang muwang sa mundo, kaya’t walang kinatatakutang panganib sa kalusugan at kaligayahan na lamang ay ang makisalamuha sa kanilang mga kapwa bata.



May mga nasalang din na estudyante ng Grade 1 at Grade 2, na ang ibig sabihin ay pawang nasa bubot pa ding edad. At ang matindi nito kung di man lahat ay higit na nakararami sa mga ito ay hindi pa bakunado.

Mahigit na 100 pampublikong paaralan,kabilang ang 28 sa National Capital Region (NCR), ang pinayagan ng DepEd na sumasailalim sa face-to-face classes.

Wala yata sa wastong katinuan ang ilang mga pinuno ni Lola Leonor Briones na pumayag na magsagawa ng face-to-face classes ang mga naturang estudyante.

Mahirap namang paniwalaan na ang matalinong tulad ni Lola ay kasali din sa pagbabalangkas para payagang maging test project ang mga kabataang ito sa gitna pa naman ng pananalasa ng COVID 19 at banta ng Omicron variant.

Tama lamang na umalma ang tulad ni San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes sa pagpapatupad ng proyektong ito ng DepEd. Kung tutuusin ay tila mas may utak at higit na matalino pa kahit kaninong Ponce Pilato sa nasabing kagawaran ang naturang kongresista ng Bulacan.



Bilang pagmamalasakit sa mga kabataang nasusuong sa matinding panganib ay umapela si Congresswoman Robles sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (ISTF) kamakailan na unahin munang bakunahan ang mga batang edad 5-11 bago payagang pumasok para sa face-to-face classes.

“Ako po ay isang ina at alam ko ang damdamin sa ating mga anak kapag sila ay pumapasok sa eskwela lalo na ngayong panahon na ito na may naka-ambang virus na maaring nilang makuha sa kanilang pagpasok. Ang mga may pilot run ng face-to-face classes ay mga bata na nasa 5 to 11 age group na hindi pa nabakunahan dahil wala pang bakuna na pinapayagan sa kanilang edad,” giit pa ni Robles sa kanyang privilege speech sa kamara.

“Kung ang mga nasa kolehiyo ay pinapagayan lamang nating pumasok ang mga mayroon nang full vaccination status, mas lalo sana nating proteksyonan ang mga mas batang estudyante na hindi pa bakunado,” pahayag pa ni Robes.

Idinugtong pa ng mambabatas na sa kasalukuyan, ay wala pang lumilikha ng bakuna na nagsumite ng kanilang Emergency Use Application (EUS) para sa mga batang may edad na 5 hanggang 11 taong gulang.

Samakatwid kung tumpak ang pahayag ni Robles ay para lamang palang ipinambabala sa kanyon ng DepeD ang mga kabataang isinasailalim ng mga ito sa face-to-face classes?

Marami na ding palso,palpak at kontrobersyal na diskarte ang DepEd na parang hindi dumaan sa tamang pag-iisip ng mga mga namiminuno nito.

Liban sa pagpapatupad ng face-to-face classes ay labag din sa pulso ng mga mamamayan at nakararami ang nakaambang paglahok sa classroom ng mga Special Education (SPED) students sa mga regular na mag-aaral.

Hindi natin maarok sa imahinasyon,kung papaanong ang mga tulad sa mga estudyanteng may mga kapansanan: deaf & mute, blind, ASD, Learning Disability, Down Syndrome at iba pa ay isasama sa mainstream classes o ordinaryong mag-aaral?

Talagang malaking kabobohan, at masasabi nating wala sa katinuan ang Lola Leonor kapag ipinagpatuloy ang planong ito ng DepEd?

Kaya naman lola, esep esep naman muna?

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144; email: sianing52@gmail.com.