Advertisers

Advertisers

Katiwasayan at seguridad sa eleksyon 2022 isinusulong ni Gen. Danao

0 515

Advertisers

Nananawagan si National Capital Region Office (NCRPO) Regional Director PMGen. Vicente Danao, Jr. sa lahat ng mga law enforcement agencies, pati na din sa kanilang mga counterpart mula sa Armed Forces, Coast Guard at lahat ng tagapagpatupad ng batas sa bansa na huwag hayaan ang sinuman na gamitin ang kanilang mga kamay sa kalokohan.

Partikular niya ring tinukoy na huwag magpagamit ang pulisya sa kalokohan manipulahin at dayain ang paparating na eleksyon.

“Just do what is right and give what is due to our countrymen,” ani Danao sa ginanap na kauna-unahang Regional Joint Peace and Security Coordinating Center (RJPSCC) meeting na dinaluhan at pinangunahan ni Atty. Temie Lambino, NCR/Chairman RJPSCC kasama ang ibat- ibang opisyal ng ahensya ng gobyermo tulad ng Comelec, AFP, Coastguard, MMDA at JTF NCR.



Sa naturang pulong ay pinagusapan ang paghahanda sa kaayusan at seguridad para sa darating na panahon ng eleksyon kung saan inaasahang magiging mahigpit ang pagbabantay ng mga awtoridad.

Nabatid na magiging mahigpit rin ang pagpapatupad ng batas partikular na ang kontra kriminalidad sa NCR.

Nakatakda ring maglatag ng mga checkpoints sa ibat-ibang strategic areas sa Metro Manila kasabay ng “Oplan Paglalansag” at “Galugad Kontra Krimen.”

Samantala, kapwa nagpasalamat ang mga pinuno ng mga ahensya na dumalo sa makabuluhang pagpupulong upang matiyak ang patas at payapang eleksyon 2022.

Nanawagan naman si Danao sa mga kapulisan at iba’t-ibang law enforcement units sa maayos at tapat na pagpapatupad ng tungkulin para sa kapakanan ng Sambayanang Pilipino.



“Nakikiusap ako mga kapatid lalo na sa PNP, hanggat nandito ako sa serbisyo hindi ako papayag na ang PNP ay gagamitin sa anumang kalokohan lalo na sa panahon ng eleksyon, As your Regional Director here, I enjoin each and everyone to please maintain the integrity of this institution. Let us protect the Constitution, let us protect the mandate of our people. The future of our children lies on whoever will win on this coming election. So please let us all protect the interest of the voters!” ani Danao.

Lumagda si Danao sa isang kasunduan kasama ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, National Director, Commodore Eduardo B Gongona (Ret) na sinabayan ng pagtu-turnover ng Aquaponics at Fishing Boats sa Small Fishermen Associations of Navotas na ginanap sa Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig City bilang bahagi ng NCRPO- SIBOL Project na naglalayong tugunan ang kampanya laban sa kahirapan na nagbubunsod sa mga social problems gaya ng krimen, insurgency, terrorism at illegal drugs.

Bahagi rin ito ng suporta sa Fishing Bangka Construction and Distribution na tinaguriang, “FB Pagbabago Program” na layuning magbigay ng food security at pagkakakitaan sa mga mangingisda.

Kudos kay Gen. Danao at sa NCRPO!!

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.