Advertisers
SINUNOG ang hekta-hektaryang taniman ng marijuana sa Maguing, Lanao del Sur.
Ayon sa mga opisyal, pinalalago ito ng grupo ng NPA at isang tinukoy na Lumala na ‘disgruntled Moro guerilla.’
Aabot ang halaga ng marijuana sa P7.6 milyon.
Ayon kay Lt. Col. Romulus Rabara, commanding officer ng 5th IB, nadiskubre nila ang naturang taniman galing sa tip ng informants ng Maranao.