Advertisers

Advertisers

‘Paskuhan sa Maynila’ pwede kahit alagang hayup – Isko/Honey

0 330

Advertisers

INANUNSYO nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna pwedeng dalhin ang mga alagang hayup o pets sa ‘Paskuhan sa Maynila’ sa Mehan Garden malapit sa Manila City Hall.

Gayunman, mahigpit na ipinapaalala base sa mga patakaran na inilatag ng bureau of permits sa pamumuno ni Levi Facundo na siyang overall in-charge ng mga activity, ang mga dadalhing hayup ng mga bisita ay dapat na naka-diaper at may tali o kadena.

Ayon kay Moreno, ang nasabing Christmas venue ay para sa kasiyahan ng lahat at kung may iihi at duduming hayup dito ay makasisira sa lugar. Ang mga hayup naman na walang kadena o diaper ay dapat na kargahin ng kanilang mga amo habang nag-iikot sa lugar.



Nabatid din kay Facundo na hindi ni-require ang vaccination cards dahil open air naman ang lugar, kailangan lamang laging nakasuot ng face masks.

Kapwa nanawagan sina Moreno at Lacuna sa publiko lalo na sa mga taga-Maynila na suportahan ang ‘Paskuhan’ event bilang tulong sa mga maliliit na negosyante. Ito ay tatagal hanggang January 1 sa susunod na taon

Tiniyak din Facundo na ang lahat ng participants sa ‘Paskuhan sa Maynila’ ay fully vaccinated, mayroon ding sapat na bilang ng mga pulis sa lugar para sa kaligtasan at seguridad, mayroon ding mga COVID marshalls na mag-iikot upang magpaalala sa mga bisita ng protocols.

Inaanyayahan ni Moreno ang publiko na mag- enjoy sa mga special treats tulad ng daily performers, 15-minute light shows na apat na beses kada gabi, arcade, TikTok booth at magkakaroon din ng games tulad ng shooting galleries at dart balloons.

Idinagdag pa ni Moreno na ang “LOVE” structure ay may makukulay na fountain at mayroon ding 70 retail stores na nagtitinda ng shirts, dresses, toys, accessories, perfumery, souvenirs at powerhouse tools, bukod pa sa iba’t-ibang uri ng mga native delicacies, Eng Bee Tin hopia varieties, grilling at shawarma station. Mayroon ding Thai, Korean, Japanese, Vietnamese at Filipino dishes.



Iniutos din ni Moreno na tumatakbong presidente sa ilalim ng Aksyon Demokratiko ang araw-araw na misting at fogging na isasagawa ng Manila Disaster Risk Reduction Managament Office sa ilalim ni Arnel Angeles. Ang traffic management at parking ay babantayan ng mga tauhan ng Manila Traffic Parking Bureau sa ilalim ng hepe nitong si Dennis Viaje. Ang mga lights and sounds at structures pati na ang mga stalls ay itinayo ni City Engineer Armand Andres habang ang round-the-clock cleaning naman ay nakatoka sa department of public services sa ilalim Kenneth Amurao.

“Let us support the city government’s efforts to help small businesses and create job opportunities as well,” sabi ni Moreno.

Ang ‘Paskuhan ay bukas araw-araw mula 4 p.m. hanggang 11 p.m.. Magpapasok lamang hanggang 10:15 p.m. ito ay sarado ng December 24 at December 31. Mahigpit ding paiiralin one exit one entrance para madaling ma-monitor ang mga bisita. (ANDI GARCIA)