Advertisers
UMAATIKABONG takbohan ang masisilayan sa ilalargang Philippine Racing Commission— Philippine Charity Sweeptakes Office Presidential Gold Cup sa darating na Linggo sa Metro Manila Turf Club,Malvar, Tanauan City, sa Batangas.
Puntirya ng mahigpit na magkaribal na sina Super Swerte at Boss Emong na makuha ang prestihiyosong korona sa event na may tumataginting na P10M guaranteed prize.
“Cream of the Crop ito,” saad ni PHILRACOM Chairman Aurelio “Reli” de Leon nang dumalo sa online forum kada Martes na Philippine Sportswriters Association (PSA).
Sina Super Swerte na anak nina Art Moderne at Faster Tapper at Boss Emong na lahi nina Dance City out at Chica Una ay makakaharap ang defending champion na si Pangalusian Island sa distansyang 2,000 meter race.
Maliban kina Super Swerte at Boss Emong na pag-aari nina Sandy Javier at Edward Diokno ayon sa pagkakasunod at Pangalusian Island, ang ibang tigasing kalahok ay sina 1st at second leg Triple Crown ruler Nuclear Bomb at 3rd leg winner War Cannon.
Hahamigin ng magkakampeon ang P6M, hahamigin ng second placer ang P2M habang tig P1M at P500,000 ang third at fourth placers.
Target na sumilo rin ng titulo sina Sky Shot, Gusto Mucho, Great Wall, Union Bell, Isla Puting Bato, Summer Romance, Prosperity, Obra Maestra at Stardust.
Tatanggap din ang fifth at sixth ang tig P300,000 at P200,000 habang mapupunta ang P500,000 sa breeder ng winning horse.