Advertisers

Advertisers

Trike driver, buntis at baby patay sa banggaan

0 252

Advertisers

NASAWI ang isang tricycle driver, at isang buntis pati ang sanggol nito sa sinapupunan nang bumangga ang kanilang sinasakyang tricycle sa pick-up truck sa Iloilo.

Kinilala ang mga nasawi na sina Laurence Hautea at ang 7-buwan buntis na si Mela Pama.

Ayon sa ulat, mag-o-overtake sana ang pick-up sa kaharap na malaking truck ngunit bumangga ito sa tricycle sa bayan ng Dueñas, Miyerkoles ng umaga.



Dumiretso pa ang pick-up at nabangga ang isa pang truck bago ito sumalpok sa isang vulcanizing shop.

Tumilapon ang mga sakay ng tricycle at malaki ang tinamong sira ng nasabing shop.

Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang tricycle driver na dead on arrival sa pagamutan. Binawian din ng buhay ang buntis pati ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple serious physical Injuries and damage to property ang driver ng pick-up.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">