Advertisers
SUGATAN ang 2 pulis nang pumutok ang pinag-aaralang baril sa loob mismo ng weapons training school sa bayan ng Aringay, La Union.
Ayon sa ulat ng Police Regional Training Center 1, nasa gitna ng firearms familiarization session sina Instructor Cpl. Benie Dupayat at trainee Patrolman John Conrad Villanueva nang mangyari ang insidente noong Martes.
May demonstration ng operating function ng kalibre .45 baril nang magkaroon umano ito ng mag-malfunction at pumutok. Natamaan ang instructor sa kamay at nasapul ang trainee sa hita.
Agad nag-utos ng imbestigasyon si PNP Chief, Gen. Dionardo Carlos, na isa ring qualified firearms instructor at weapons specialist.
Ayon kay Carlos, kailangan pag-aralan ang mga polisiya sa training para maiwasan ang mga ganitong insidente.