Advertisers
Ni JOVI LLOZA
HINDI itinanggi ni AJ Raval at ayaw daw nitong maging sinungaling kaya inamin nito ang totoo.
True nga raw ang pagpapadagdag niya ng boobs last year, 2020.
Never na nga raw nag-isip si AJ dahil excited siya talaga rito.
At umamin ito na hindi siya conscious kahit wala pa siyang alsadong dibdib.
Ngayon nga na nagpa-enhanced ito ng boobs ay saka naman daw ito na-conscious.
Feeling not comfortable na kasi ang peg nito sa ipinadagdag na boobs.
Next year naman ay plano niya itong ipatanggal at gusto na nga raw nitong maging malaya sa kung anuman meron si AJ.
Sa skin niya siya curious ngayon dahil nung bata daw siya ay malikot siya at laging nadadapa kaya maraming peklat at pasa-pasa.
At ganun pa rin daw ngayon dahil sa kanyang mga sport activities aynagagalusan at nagkaka-bruise si AJ.
After nga raw na ipatanggal nito ang idinagdag sa kanyang boobs ay ang skin naman ang kanyang pagtutuunan ng pansin.
***
Derf Dwayne, Harold Evangelista at Jerome Sangalang nag-mistulang The Clash grand finalists ang datingan sa Overview
MAY K as in karapatan naman na i-manage or i-produce ng nag-iisang Soft Rock Diva na si Rozz Daniels ang tatlo nitong anak-anakan sa kanilang KUMU show na THE ROCKS & ROZZ SHOW na sina Derf Dwayne, Harold Evangelista at Jerome Sangalang.
I-follow at view ninyo ang 3 sa Kumu at pag na-watch ang tatlong alaga ni Ms. Rozz Daniels ay mapapa-wow kayo sa huhusay ng mga boses nila.
May kanya-kanyang dating ang mga boses nina Derf, Harold at Jerome sa kanilang mini-show at presscon na ginawa sa Overview sa Roces, QC.
Performance level ang peg ng tatlo at ang datingan ay parang nasa Grand Finals ng The Clash.
Nadama rin ang Pasko nang unawit na ng Christmas carols ang mga ito na pinangunahan ni Rozz na umawit ng Jingle Bell Rock.
‘Di rin nagpahuli sina Harold na nag-O Holy Night, Jerome, Have Yourself A Merry Little Christmas at Derf, Pasko na Sinta ko.
Wala mang Christmas number si Analyn Torregosa ay napabilib naman niya ang lahat sa kanyang kanta na Di Na Muli at Fly Me To The Moon.
Pero kaya pala dinagsa ng press people ang nasabing The Rocks Rozz Show sa Overview ay para mapakinggan ang ginintuang tinig ni Ms. Blessie na siya namang host ng nasabing event (talaga ba? hahaha-–ed).
Well, well, well…’Yun na!