Advertisers
MASUWERTE ang ilang mga mag-aaral sa kplehiyo dahil inanunsiyo na ni SENATOR GRACE POE na makatatanggap na ng CASH ASSISTANCE mula sa DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT (DSWD) ang mga benepisaryo ng FPJ PANDAY BAYANIHAN ISKOLAR NG BAYAN.
Sa Facebook Live na talumpati ni SEN. GRACE POE ay nalitanya nito ang “I would like to congratulate you for being a part of the FPJ Panday Bayanihan Iskolar ng Bayan,”
Mga ka-ARYA.., ang mga ISKOLAR ay pinili mula sa iba’t ibang bahagi ng PILIPINAS, na ang mga ito ay makatatanggap ng tig-P5,000 na tulong pinansiyal mula sa proyekto ng FPJ PANDAY BAYANIHAN FOUNDATION at ng DSWD.
“Bakit namin sinimulan ang FPJ Panday Bayanihan Iskolar ng Bayan program? Alam mo si FPJ hindi nakapagtapos ng college dahil namatay ang tatay niya noong 12 o 13 taong gulang lamang siya. Kinailangan niyang magtrabaho para suportahan ang pamilya. Alam niya na hindi madali. Kaya, in memory of FPJ, itinatag natin itong scholarship,” bahagi ng live video message ni SEN. GRACE POE bilang pagsisiwalat sa dahilan at kung paano nabuo ang kanilang programa.
Ang naturang aktibidad ay pinasinayaan din ng ANAK ng SENADOR at CHAIRMAN ng FPJ PANDAY BAYANIHAN FOUNDATION na si BRIAN POE LLAMANZARES.
Malaking pasasalamat naman ang ibinahagi ng mga estudyanteng nakatanggap ng cash assistance. Ilan sa kanila ay mga working student na naghihirap sa pagsabay ng pag-aaral at pagtatrabaho o kaya naman ay may mga magulang na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Kaya naman laking pasasalamat ng mga benepisaryong mag-aaral.., kase, sa panahon ngayon ng pandemya na maraming mga bata ang natigil sa pag-aaral dahil ang kanilang mga magulang ay nawalan ng trabaho.., ay napabilang sila sa proyekto at nakatitiyak na silang maipagpapatuloy ang kanilang mga pag-aaral.
May ilan sa mga benepisaryo ang nagpahayag naman na ang kanilang ama ay nawalan ng trabaho at ang ina nila ay OFW ay nahinto naman umano ang remittances.., kaya suwerte umano at mayroon na silang magagamit para maipagpatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng suporta ng FPJ PANDAY BAYANIHAN FOUNDATION.
Sa kabatiran ng mga tagasubaybay ng ARYA.., ang FPJ PANDAY BAYANIHAN ay inisyatiba ni SEN. GRACE POE at mga kaibigan at tagasuporta ni FPJ upang tulungan ang mga bulnerableng sektor sa iba’t ibang bahagi ng bansa…, na dapat pamarisan ito ng iba’t ibang mambabatas o mga organisasyon upang matulungan ang mga mahihirap!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.