Advertisers
Pipilitin ng PBA ang IATF na payagan na sila ng may mga manonood sa mga venue bago mag-Pasko. Mukhang kaya naman lalo’t ibababa sa alert level 1 ang Metro Manila. Pero magdepende din sa mga lokal na pamahalaan.
Hayun kausap na nina Commissioner Willie Marcial mga alkalde sa NCR. Si Vico Sotto para sa Ynares Sports Center, Emily Calixto-Rubiano para sa MOA Arena at Cuneta Astrodome at si Joy Belmonte para sa Big Dome.
Pati ang MPBL may invitational tournament ngayon buwan sa SM MOA kaya nakikipagnegosasyon sila kay Mayor Calixto- Rubiano ng Pasay.
Kaso kailangan lahat ng mga kasapi ng mga koponan pati mga opisyales ng mga game kailangan fully vaccinated na.
Mayroon pa kasing ulat na ang ibang manlalaro ay hindi pa bakunado tulad ni Rafi Reavis ng Magnolia.
Ganoon din sa mga hahayaan na saksihan ng live ang mga laban. Bawal ang hindi pa kumpleto ang turok kontra Covid.
Noong Miyerkules ay may broadcast panel na sa mismong game venue. Tuwang-tuwa nga sina Sev Sarmenta at mga kasama lalo na mga nagdiwang ng mga kaarawan sa kanila kasi may cake pa sila. 64 na ang batikang sportscaster.
Ang Estados Unidos mas maluwag na sa pagpapasok ng tao sa mga palaruan nila.nguni’t dapat may vax cert na.
Yung mga basketbolista na ayaw pabakuna ay alangin magdribol sa lugar na gaya ng New Yotk. Yan dahilan kaya hanggang ngayon ay hindi pa natin nakikita si Kyrie Irving ng Brooklyn.
Wala naman pilitan kaso hindi ka naman maaarimg maglaro.
Noong panalo ng Lakers sa Celtics noong isang araw sa Staples Center ay napansin natin sina Ben Affleck at Jennifer Lopez na animated sa kanilang kwentuhan habang nag-eenjoy ng laban. May iba pang celebrities in attendance bukod sa mag-partner gaya ng dati.
Kakainggit at karamihan ay wala na ngang suot ng mask.
***
Mungkahi ni Tata Selo ay sana may benefit game mga eskwelahan na naghayag na ng suporta para kay Leni Robredo.
Sana may audience na at i-cover ng live tv. Posibleng La Salle – Ateneo at UST-Adamson.ang double-header. Sila kasi ang mga pamantasan na mga kakampink. Ang kikitain ay iiambag sa kampamya ng butuhing Busy Presidente.
Naka-pink ang mag-dark na uniporme at puti ang katunggali. Siyempre nakakalimbahin din na damit ang mga taong nasa venue. May mga mabibili rin na shirt, cap, mask, socks at iba pa na may print na Laban Leni o Leni Dapat. Masaya ito,
Wala naman ibang unibersidad na hayagang nag-endorso ng ibang presidentiable. Leni lang.
***
Ire naman si Mane pinipilit talaga maisulat sa sports pages kahit retirado na sa boksing. Ito ay sa pamamahitan ng MPBL na ayon Ka Berong ay malamang langawin kung pagbigyan na may tao na. Iisa kasi venue kaya walang may homecourt advantage.