Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NAGING kakatwa ang reaksyon ni Kim Chiu nang muli na namang siyang pagtripan ng kanyang It’s Showtime co-host na si Vice Ganda sa latest episode ng nasabing noontime variety show kamakailan.
Ito ay kaugnay ng birada ng comedian sa chinita actress hinggil sa “nagpagawa”statement nito.
Sa naturang segment, tinanong ni Kim si Vice kung ano umanong features niya ang gusto niyang kunin sa kanya.
Game namang kumasa si Vice sa question ni Kim.
“Si Kim Chiu… kukunin ko yung mata nito,” sey ni Vice. “Kaliwang mata tas yung kanan kukunin ko kay Ryan kasi magka mata kayo,” dugtong niya.
Humirit naman si Kim kay Vice na : “Parang hindi. Parang mas may talukap ako kaysa sa kanya.”
Sa ganting tugon ni Vice, nawindang si Kim dahil ibinuking nito na umano’y nagparetoke ang actress.
“Kasi nagpagawa ka,” pambubuking ni Vice. “Di ko naman sinasadya na makita yung record mo sa Belo,” pahabol pa niya.
Natawa naman ang ilan sa co-hosts nila sa naturang show.
Todo depensa naman ang naging sagot ni Kim na rumesbak na: “Uy, baka maniwala sila.”
Dinaan naman ni Vice ang sagot sa panghihingi ng resibo kay Kim sa pagsasabing : “Nasan na yung picture mo dati sa PBB?”
***
MUP 2021 Beatrice, may ipinalit na sa dyowa
Pagkatapos na makipag-break sa kanyang dyowang si Kate Jagdon, isang Cebu-based performance disc jockey, iniintriga naman ngayon ang 2021 Miss Universe Philippines na si Beatrice Luigi Gomez.
Viral kasi ang nag-circulate sa social media na sweet photo nila ni Miss Armenia Nane Avetisyan.
Pinag-uusapan din ang kanilang horsey-horsey pose na pasan-pasan ni Beatrice si Nane sa kanyang mga balikat.
Hirit ng ilang kibitzers, tila nagka-developan na raw ang dalawa.
Ang bilis daw maka-move on ni Betrice dahil may ipinalit agad ang beauty queen sa kanyang dyowang dj.
Sey naman ng ilang bitchy netizens at beaucon aficionados, sana raw ay good vibes ang hatid kay Beatrice ni Miss Armenia.
Baka raw kung ma-luz clarita ito ay dahil na-jinx ito dahil sa halip na korona ang iuwi ay bagong dyowa.
May ilan namang miyembro ng pink community na nagbunyi dahil happy sila kung mayroon m bagong lovelife ang pambato ng Pilipinas sa pandaigdigang patimpalak na pangkagandahan.
Sana raw ay mag-align ang mga estrella.
Matatandaang noong nakaraang buwan lang ay kinumpirma ni Kate sa isang panayam na hiwalay na sila ni Beatrice pagkatapos ng anim na taong relasyon.
Wala naman siyang nabanggit hinggil sa tunay na rason ng kanilang breakup.