Advertisers

Advertisers

MPBL BILANG BAGONG PRO-LEAGUE WELCOME SA GAB

0 507

Advertisers

GANAP nang professional na liga ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa pagbabalik nito sa hardcourt action, Sa pangunguna ng Chooks to Go Pilipinas na pinamumunuan ni Ronald Mascarinas, tinuldukan ng MPBL ang tatlong taong pagiging semi-professional league at nakiisa sa Games and Amusements Board (GAB) para mapabilang sa mga professional basketball league sa bansa.

“Turning professional, we want to extend our friendship and corporation in running the league. GAB will be here to help you for the safety and health protocol,” pahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra. “As sign of respect and cooperation, we will give it the league for the decision for the two players and 12 others not to allow to play. We have pending letter to MPBL regarding this players and if ever na-isyuhan na namin ng license, we withdraw it. We believe in self-regulation, so its up to the MPBL,” sambit ng dating Palawan Governor at Congressman.

“Salamat sa pamunuan ng Chooks at naging reality ito, matagal na namin itong hinihintay and now we can move on. Pagtulungan na lang natin ito,” aniya. Hindi binanggit ni Mitra ang mga pangalan ng naturang mga players, ngunit ang mga ito ay kabilang sa mga nasangkot sa game-fixing sa VisMin Cup – kauna-unahang pro league sa South – .



“We just want to remind everybody, that we abhore and will not allowance any form of game fixing,” pahayag ni Mitra. Pormal na ipinagkaloob ng GAB ang professional licensed sa MPBL, na pinangunahan ni Commissioner Kenneth Duremdes, sa pamamagitan nina Mitra at GAB Commissioner Ed Trinidad.

“Nagpapasalamat po kami sa Chooks, kay Senator Manny Pacquiao at sa GAB sa pagkakaisa at pagtutulungan para sa ikatatragumpay ng liga,” pahayag ng dating one-time PBA MVP. Dalawang season na nabinbin ang MPBL dahil sa COVID-19 pandemic kung kaya’t umaasa si Duremdes na magiging ganap na tagumpay.

“We’re protected now. Maliit lang ang mundo ng basketball kaya kung may naging isyu ka, mananagot ka…(Danny Simon)