Talbog si Alex… Ivana nangunguna pa rin na YouTube Content Creator; Bea ‘di pa rin move-on kay Gerald kaya niresbakan si Rayver
Advertisers
Ni JERRY OCAMPO
NABUHAY muli ang isyu sa hiwalayan nina Janine Gutierrez at Rayver Cruz, matapos maglabasan ang balitang si Paulo Avelino ang ipinalit ng actress sa ex-boyfriend.
Pero kahit kalat na kalat na ang balitang sina Janine at Paulo na ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng dalawa sa kung ano ba talaga ang tunay na namamagitan sa kanila.
Mayroon din naman nagsasabi na gimik lang ang relasyon nina Janine at Paulo dahil may project na magkasama ang dalawa.
Pero ang sigurado umano ay tinanggihan ni Bea Alonzo makatrabaho si Rayver dahil BFF nga nito si Gerala Anderson.
Matatandaan sa naganap na birthday party ni Rayver ay doon unang nakunan na magkasama sina Gerald at Julia Barretto na ginanap sa isang sosyal na resto sa Taguig. Kaya malabo umanong tanggapin ni Bea ang mini-series na sana ay magiging kapartner si Rayver dahil kaibigan din noon ni Rayver sina Bea at Gerald.
Reaction naman ng ilang netizens ay tila hindi pa rin daw nakapag-move-on si Bea kay Gerald. Tila matindi raw ang galit na nadama ni Bea sa actor kaya hirap pa rin nitong mapatawad si Gerald.
***
BASE sa inilabas na listahan ng popular video sharing site ay nangunguna pa rin si Ivana Alawi bilang YouTube Content Creator sa Pinas ngayong 2021.
Tinalbugan na niya sina Alex Gonzaga na nasa number 3, Toni Gonzaga nasa number 4 at Vice Ganda nasa number 6.
Ang kapatid naman ni Ivana na si Hash na nagsisimula pa lang mag-vlog this year ay pasok kaagad sa Top 10 habang nangunguna naman ito sa listahan ng Top Breakout Creator.
Bukod pa dito, ang vlog ni Ivana na Naprank ang kanilang mommy na si Mama Alawi na sinorpresa niya ng isang new brand car ay kasama rin sa listahan ng top 10 trending video this year na may 10 million views.
Matatandaan last year, si Ivana rin ang nanguna sa listahan ng YouTube`s Top Creators. Year 2019 nang magsimula si Ivana mag-vlog at halos lahat ng kanyang videos ay humakot ng milyun-milyong views
Ang video nga ni Ivana na naglalaba lang siya ay humakot ng milyong views agad na ikina-insecure nga ni Alex.
Sa ngayon ay may 14.4 million subscribers si Ivana and still growing.
Sabi nga ng netizens ay masuwerte ang magiging boyfriend ni Ivana dahil mapagmahal itong kapatid, anak at kaibigan.
Sana lang daw ay makakita o makatagpo ng tunay na lalaking magmamahal at hindi lang dahil sa sikat, sexy at mayaman ang sexy actress.