Advertisers

Advertisers

The end na ang away… AJ tinawagan at nag-sorry na kay Barbie

0 312

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

KARAMIHAN sa fans at supporters ng mag-asawang AiAi delas Alas at Gerald Sibayan ay ganun na lang ang gulat nang kumalat sa social media ang isang post ni AiAi na tila nagbabadya na sa Amerika na mamamalagi.

Kung matatandaan ay minsang nakapanayam si AiAi at nasabi nitong nais niyang bigyan ng malaking oras ang kanyang mister at makabuo sila ng pamilya. Gusto rin nila na sa States na muna mamalagi at doon magsimula ng panibagong buhay.



Sa isang post kasi ni AiAi ay pinakita niya ang isang larawan na dumating sila ng mister sa Dulles International Airport sa Virginia, USA. At sa larawan na ito ay nilagay ni AiAi ang ganitong caption:

“Your Journey Begins With Us. Mistulang para sa amin ang caption. Yes, North Virginia here we come. Our journey begins here.

Thank you dear Lord and Mother Mary we landed safely. Love you, my darling. This is it, start na ng buhay natin together.”

Agad naman pumasok sa isipan ng karamihan ng supporters ni AiAi na sa Virginia na titira ang kanilang idolo. Hindi rin tinantanan ng mga tanong si AiAi sa kanyang social media account, na nagtatanong kung for good na ba ang pagdating nila sa Virginia?

Hindi naman binigo ni AiAi ang kanyang mga followers sa pagsagot sa kanila ng tanong.



“Bukas nandiyan na ako ulit!

Hindi naman, bakasyon lang.”

***

ILANG araw din pinagpistahan ng mga ‘Maritess’ sa showbiz ang bangayan nina AJ Raval at Barbie Imperial, na nagsimula sa tsika ng isang vlogger na sa naging nakaraan umano ni AJ at sa boypren ngayon ni Barbie na si Diego Loyzaga, noong tima na nagsama sina Diego at AJ sa movie na “Death of A Girlfriend”.

Parehong may pelikulang nakatakdang ilabas sina Barbie at AJ under Viva Films, si Barbie  sa “Dulo” samantalang si AJ naman ay ang  “Crush Kong Curly”. Dahil parehong Viva ang may gawa ng kanilang movie, marami ang nagsasabing hindi maganda ito para sa promo ng kanya-kanyang movie.

Tinuldukan na nga ni AJ ang word war nila ni Barbie nang tawagan niya ito. Hindi naman na sinabi ni Barbie kung ano ang napag-usapan nila ni AJ pero diniin niyang okey na sila at nagkasundo na silang dalawa. Okey na kay Barbie ang ginawang move ni AJ at paghingi ng tawad sa kanya.