Advertisers

Advertisers

Binata sumambulat sa granada

0 318

Advertisers

Patay ang isang lasing na binata nang masabugan ng granada sa probinsya ng Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Jun Briones Delos Reyes na residente ng Barangay Old Bulatukan Makilala Cotabato.

Ayon kay Makilala Chief of Police Major Orphie Julian, na umuwing lasing si Delos Reyes at nagtalo pa sila ng kanyang live in partner at ilang minuto lang ang nakalipas, nakarinig ng pagsabog ang kanilang mga kapitbahay.



Nang magresponde ang mga tauhan ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) patay na ang biktima nang magtamo ng maraming sugat sa kanyang katawan at nakaligtas ang live-in partner nito.

Sinabi ni Major Julian na maaring suicide o aksidente ang pangyayari.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng Makilala PNP sa nangyaring pagsabog.