Advertisers
KULONG ang may-ari ng isang resto bar at cashier na nagsisilbing bugaw sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa Tomodachi Resto Grill sa Manguera Highway Barangay Cristo Rey, Capas, Tarlac.
Sa report ni Poluce Major Arnel Viloria, kinilala ang mga nadakip na sina Marilou Tanangonan, 43 anyos, may-ari ng sex den; at Ailyn Payte, 28, cashier ng restor bar.
Ayon sa ulat, 12: 00 ng madaling araw nang madakip ang dalawa at masagip ang 10 kababaihan.
Base sa imbestigasyon, nagkakahalaga ng P1,500 ang room na gamit ay electric fan, habang P1,800 ang aircondition room.
Nabatid na sa bawat kliyente ay P1,000 lamang ang napupunta sa mga babae, habang ang malaking halaga ay pinaghahatian ng may-ari at cashier.
Ayon kay Lt. Col. Olive Sagaysay, kasong sex trafficking ang isasampa ng CIDG sa may-ari ng resto bar, na dati nang naaresto sa kaparehong kaso noong 2011.
Ayon naman sa mga nasagip na kababaihan, serbidora ang kanilang trabaho, subali’t hindi daw nila akalain na aabutin nila ang pagbebenta ng laman dahil narin sa matinding epekto ng pandemya. (Thony D. Arcenal)