Advertisers

Advertisers

Anti-Terrorism Act, dapat lamang ibasura!

0 339

Advertisers

DAPAT lang na ibasura na ang Anti-Terrorism Act (ATC). o Republic Act 11479

Gagamitin lamang ito ng mga nasa kapangyarihan sa pag-abuso at paglabag sa karapatang pantao lalo na ang mga walang kalaban labang nilalang.

FYI: Tila nakapiring ang mga mata ng mga kagalang-galang na Mahistrado ng Korte Suprema sa pagdesisyon sa legalidad ng ATC.



Attention mga idolo nating Justices ng SC: Hindi lang dapat dalawa ang probisyon ng ATC, na inyo pong idineklara na lumabag sa Saligang Batas.

Para sa akin lang ha, nabigo sa naturang deklarasyon ng SC na protektahan ang “due process of law ” sa karapatang-pantao at freedom of expression .

Hindi ba napansin ng mga Justices ng Kataas-taasang Hukuman na ang nakasaad sa Section 29 o ng ATC ay tahasang paglabag sa Konstitusyon.

Ito po yung nagbibigay ng kapangyarihan sa ATC na ipakulong ang sinumang terror suspect sa loob ng 24-araw nang walang judicial warrant of arrest.

Tsk! Tsk!



Base in our Constitution, sa mga panahong sinuspinde ang pribilehiyo ng “Writ of Habeas Corpus”, ang isang taong nahuli ay dapat palayain matapos ang tatlong araw na pagkakakulong kung walang mga kasong isinampa laban sa kanya sa korte.

Ang problema nga lamang ay nagpasya na ang Supreme Court pabor sa Anti Terror at sinabi nito na walang nilabag na probisyon sa Konstitisyon ang ATC.

So nagsalita na Ang Korte Suprema kaya wala na marahil avenues na puwedeng tunguhan ng mga grupong tumututol dito.

Ika nga,dead end na Ang laban ng mga sinasabing mga maka-Kaliwa o yaong mga komunista na siguradong tatamaan ng bagsik ng nasabing batas.

Ang pagbasura dito ay tila mukhang ” next to impossible” dahil sa pagkatig ng Korte Suprema.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
Ugaliin rin makinig at sumubaybay sa REALIDAD Online. Monday to Friday 4pm to 5pm over Elizalde Broadcasting