Advertisers

Advertisers

Bgy. kagawad at gunman patay sa pamamaril

0 278

Advertisers

DALAWA katao ang nasawi sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Kinilala ang mga nasawi na sina Robillar Jabao, kagawad ng Barangay Mahongkog, Magpet, Cotabato; at ang salarin na si alyas Dado na binaril ng isang miyembro sa Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT).

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director, Colonel Henry Villar, sakay si Jabao sa kanyang motorsiklo patungong barangay hall para magpatala sa Philsys ng PSA angkas ang kanyang dalawang anak nang harangin sila ng dalawang lalaki at binaril ang kagawad gamit ang kalibre.45 na pistola.



Papatakas na ang mga gunman na sakay rin ng motorsiklo nang paputukan sila ng isang BPAT gamit ang M1 Carbine rifle. Patay ang angkas ng motorsiklo habang nakatakas ang driver.

Hindi narin umabot sa pagamutan si Jabao na nagtamo ng tama ng bala sa leeg, habang ligtas ang kanyang dalawang anak.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Magpet PNP sa krimen.