Advertisers
Ni WALLY PERALTA
ISA sa loveteam sa showbiz na masasabing matagumpay ay ang tambalan nina Ken Chan at Rita Daniela.
Nagsimulang mapansin ang chemistry ng dalawa nang magsama sila sa isang proyekto sa GMA7, ang “Special Tatay” at nagsunud-sunod ang mga proyekto bilang magkatambal.
At ngayon nga ay may movie pa silang pasok sa darating na Metro Manila Film Festival 2021, ang “Huling Ulan sa Tag-Araw” na dinerehe ni Direk Louie Ignacio.
Mula nang magtambal ang dalawa ay hindi nahaluan ng romantic link ang dalawa, ika nga purely professional lang at walang personalan. Hindi kaya type ni Ken ang byuti ni Rita para dyowain, pangtropa lang ba talaga ang kanilang samahan?
Inamin naman ni Ken na sadyang nahulog ang loob niya kay Rita at binalak na ligawan pero hindi niya tinuloy.
“Seventy percent, hindi 100 percent kasi hindi pa talaga ako ready pumasok sa isang relationship. Kagagaling ko lang sa isang mahabang relationship na umabot ng three years,” say ni Ken.
Sa tagal na rin naman ng kanilang samahan ay may chance na kayang tuluyan nang dyowain ni Ken si Rita?
“Na-enjoy ko ’yong trabaho, na-enjoy ko ’yong circle of friends, ’yong time ko sa trabaho ko, and ini-enjoy ko ’yong moment until now. ’Yon ’yong nararamdaman ko. Hindi pa talaga ako ready pumasok sa isang relasyon,” dagdag pag say ni Ken.
***
FOR so long ay hindi pinaputulan ni Sunshine Cruz ang kanyang mahabang buhok at kung pababawasan niya man ito ay kaunti lang at mahaba pa rin tingnan.
Kaya ganun na lang ang mangha ng kanyang mga followers nang bumuluga sa kanilang paningin ang isang larawan ni Sunshine na may maigsing buhok with matching full bangs pa. Marami ring humanga sa bagong looks ni Sunshine at may nagtanong kung may gap kaya sila ng boypren nitong si Macky Mathay.
Say naman ni Sunshine ay ginawa niya ang pagpapaputol ng kanyang buhok para sa isang role at mapabilang sa “Mano Po: The Family Fortune” na ngayon ay isa na ring series at ipalalabas sa GMA-7 sa pagpasok ng bagong taon, 2022 na pagbibidahan nina Barbie Forteza at David Licauco.
“It is a dream come true for me. I could’ve bounced and tumbled in excitement when I was offered the role so when they asked me to cut my hair, when I started acting I always had long hair, but I said, ‘sure,’” say ni Sunshine.
Happy si Sunshine na hindi siya pinababayaan ng GMA7. Isa si Sunshine sa mga artista natin na pwedeng lumabas sa iba’t ibang istasyon.