Advertisers
SORSOGON CITY – Patay ang 29-anyos na binata nang saksakin ito ng kapwa bosero o maninisid sa Barangay Buenavista, West District sa Sorsogon City.
Kinilala ang biktima na si Delfin Mendoza Pasaylo, tubong Brgy. Malocabo, Sagay City, Negros Occidental.
Kasalukuyan namang tinutugis ang salarin na si John Pineda Morales, 41, binata, tubong Brgy Tanza, Estanza, Iloilo.
Sa report, parehong residente ng nasabing barangay ang magkababayan.
Batay sa ulat, nauwi sa mainit na pagtatalo ang inuman ng dalawa hanggang sa masaksak ni Morales ang biktima.
Nagpapatuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa tumakas na si Morales.