Advertisers

Advertisers

KAPATAGAN VS ZAMBO, BAKBAKAN SA KAMPEONATO

Chooks VisMin Cup Finals...

0 252

Advertisers

NAPANATILI ang katatagan ng BYB Kapatagan sa dikdikang sagupaan laban sa crowd favorite at host team Pagadian, 66-56, sa knockout semifinals match Lunes ng gabi para angkinin ang huling upuan sa Championship match ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao Challenge sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga Del Sur.

Makakatunggali ng No.3 seed Buffalos ang No.4 seed Zamboanga Sibugay sa best-of-three Finals na magsisimula Miyerkoles ganap na 8:00 ng gabi.

“Hindi ko inisip noong mag umpisa kami dito na makakaabot kami sa Finals. Hindi talaga!,” pahayag ni Kapatagan head coach Jaime Rivera.



Naghahabol sa kabuuan ng first half, nagawang maagaw ng Buffalos ang bentahe tampok ang 10-0 run sa final period at mamaga ang kalamangan sa 12 puntos, 50-38, may 8:03 ang nalalabi.

Nagpalitan ng maigting na scoring run ang magkabilang panig bago muling nakuha ng Kapatagan, sa pamamagitan nina Garexx Puerto at KD Ariar, ang kalamangan sa 57-44.

“Sinabihan ko na talaga ‘yung players na hanggang walang buzzer, walang bibitaw kaya ayun namaintain namin ‘yung lead namin,” sambit ni Rivera.

Nagsalansan si Jonel Bonganciso ng 15 puntos , walong rebounds, dalawang steals at isang block para sa Buffalos, habang nag-ambag si Gayford Rodriguez ng 10 puntos at pitong rebounds.

Naunang umabante sa finals ang Zamboanga Sibugay nang gapiin ang top seed GlobalPort-Misor, 81-64.



“Nag-materialize lahat ng hardwork namin especially ‘yung offense namin ngayon,” sambit ni Warriors head coach Arnold Oliveros.(Danny Simon)