Advertisers

Advertisers

Magsasaka patay sa cobra

0 477

Advertisers

Patay ang isang magsasaka nang tuklawin ng isang banakon o King Cobra sa Barangay Olaycon sa bayan ng Monkayo, Davao de Oro, Lunes ng hapon.

Kinilala ng Monkayo Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang biktima na si Rodrigo Ugay Dijos.

Ayon kay Barangay Kagawad Barry Gina Labrigas, pauwi na sana sa bahay si Dijos na angkas ng isang motorsiklo nang makita ang grupo ng kalalakihan na pinagtutulungang patayin ang banakon.



Bumaba sa motorsiklo si Dijos na umano’y nakainom rin, para tumulong sa paghuli sa cobra.

Nakunan pa siya ng litrato na hawak-hawak ang cobra na napatay niya, pero natuklaw na pala siya sa kanyang likod at mukha.

Dinala pa sa isang albularyo si Dijos pero ayon kay Labrigas, nawalan na ito ng malay at iniuwi ng kaniyang pamilya.