Advertisers

Advertisers

Mister at misis na buntis patay sa ‘katol’

0 440

Advertisers

NASAWI ang mag-asawa sa sunog sa Zamboanga del Sur.

Kinilala ang mga biktima na sina Rolando Alcayde, Jr., 27 anyos; at ang buntis nitong kabiyak na si Jonnabelle, 28.

Sa ulat, kapwa tulog at hindi na nagawang makalabas ng bahay ng mga biktima sa nasusunog nilang bahay.



Ayon sa report, 2:00 ng madaling araw ng Linggo, December 12, nang maganap ang sunog sa hindi pa alam na dahilan sa Purok Daisy sa Upper Pulacan, Labangan, Zamboanga del Sur.

Di na halos makilala ang itsura ng mag-asawa nang matagpuan sa isang kuwarto ng natupok na bahay.

Inaalam pa ng mga taga Bureau of Fire Protection (BF) ang pinaka-sanhi ng naturang sunog.

Ang mga taga BFP ay may inisyal na paniniwala, batay sa kwento ng mga kapitbahay, na ang ‘di maingat na paggamit ng mosquito coil o “katol” na pangpatay ng lamok ang dahilan ng sunog.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">