Advertisers

Advertisers

Sen. Go ‘matter of principle’ ang pagwidro sa pagka-pangulo

0 216

Advertisers

BIGLANG sumulpot sa labas ng tanggapan ng Comelec si Senador Bong Go nitong Martes para muling inanunsyo ang kanyang pagwidro sa presidential derby sa Halalan ‘22.

“As a matter of principle hindi na po ako kasali sa presidential race,” diin ni Senador Go sa harap ng media at ilang tauhan ng Comelec na sumalubong sa kanya sa ground floor ng gusali ng Palacio del Gobernador.

Pero hindi sinagot ni Go ang tanong ng media kung opisyal na nga ba siyang nagwidro sa kanyang kandidatura kasi hindi niya ipinakita sa media ang kanyang pi-nirmahang “withdrawal of candidacy”.



Inanunsyo rin ng Senador na wala pang napipiling su-suportahang presidentiable si Pangulong Rody Duterte. Basta kung sino raw ang magtutuloy ng mga programa ng Duterte administration tulad ng Build Build Build ay ito ang susuportahan nila ni Pangulo.

Pagkatapos ng maikling talumpati sa harap ng media sa labas ng Palacio del Gobernador sa Intramuros, Manila, sumakay na si Go sa naghihintay na taxi na siya ring sinakyan niya sa pagpunta sa Comelec office.

Ang nakapagtataka lang rito ay kung bakit hindi ipinakita sa media ni Go ang kanyang pinirmahang papel sa pagwidro. Why o why???

Anyway, malalaman natin ang real score kay Comelec spokesman James Jimenez na hindi pa natin makontak. Abang abang lang, ripapips…

Sabi kasi noon ni Spox Jimenez: Hangga’t hindi pumupunta sa tanggapan ng poll body si Senador Go ay mana-natili itong kandidato sa pagkapangulo, ang kanyang pangalan ay mapapasama parin sa balota sa Mayo 9, 2022 election.



***

Inanunsyo rin nitong Martes ng umaga ni vice presidential aspirant Davao City Mayor “Inday” Sara Duterte-Carpio ang kanyang mga susuportahang senatoriables. Itoy sina: ang kanyang amang outgoing President Rody Duterte, Atty. Gibo Teodoro, Atty. Harry Roque, actor Herbert Bautista, actor Jinggoy Estrada, journalist Loren Legarda, businessman Mark Villar.

Si Teodoro ay pinsang buo ni late ex-President PNoy na tumakbo nang pangulo noong 2010.

Si Roque ay spokesman ni Pangulong Duterte na dati ring “dilawan”.

Si Baustista alyas “Bistek” ay dating alkalde ng Quezon City.

Si Jinggoy ay comebacking. Dalawang beses na siyang nakulong sa Plunder. Nakakalaya lang siya ngayon dahil sa piyansa. May kinakaharap siyang kaso sa Sandiganbayan.

Comebacking din si Legarda matapos ang isang termino bilang Congresswoman ng Antique.

At si Villar ay panganay na anak ng mag-asawang bilyonaryong Senadora Cynthia at dating Senate President Manny Villar. DPWH Secretary siya ni Pres. Duterte.

Sino sino sa kanila ang iboboto nyo?

***

Ang petition laban sa kandidatura ni Bongbong Marcos Jr., sabi ng Comelec ay kanilang lulutasin bago magsimula ang kampanya sa Pebrero. Ito’y tungkol sa conviction sa hindi niya pagkakabayad ng tax sa loob ng apat na taon.

Abangan ang desisyon dito ng Comelec.