Advertisers
NAGTAMO ng sugat sa ulo at kamay ang 69-anyos na lolo nang sakmalin ng sawa sa loob ng kaniyang bahay sa Jaro, Iloilo City.
Kinilala ang biktima na si Jerry Jacosalem ng Barangay San Isidro.
Ayon sa biktima, nagising siya mula sa pagkakatulog nang may kumagat sa kaniyang ulo at kamay.
Nang tingnan niya kung ano ang sumakmal sa kaniya, laking gulat niya nang makita ang sawa.
Kaagad siyang humingi ng tulong sa mga kapitbahay, at nahuli ng mga tanod ng barangay ang sawa.
Ayon sa barangay, posibleng sa katabing ilog nanggaling ang sawa, at maaaring naghahanap ito ng makakain.
Ligtas naman si Jacosalem dahil walang kamandag ang sawa, na ibigay sa pangangalaga ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).