Advertisers

Advertisers

Nakahinga narin ng maluwag ang mag-among Digong at Bong

0 273

Advertisers

OPISYAL nang nag-backout sa kanilang kandidatura sina Pangulong Rody Duterte para Senador at Sen. Bong Go para sana Presidente sa Halalan ‘22.

Sabi nga ni “Kuya” Bong Go, para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan sa pag-atras niya sa presidential race. Hindi naman daw talaga kasi niya gusto at maging ng pamilya niya ang pagtakbong Presidente, si Pangulong Duterte lang ang nag-push sa kanya sa kagustuhan narin ng huli na ito ang magpapatuloy sa kanyang  “legacy” at ng Build Build Build program.

Ang target sana ni Go ay Vice President. Kaso ang anak ni Pangulong Duterte na si Davao City Mayor “Inday” Sara ay nag-file ng Vice para running mate ni Bongbong Marcos.



Kaya para hindi sila magkabangga ni Inday Sara, nag-file nalang si Go ng Presidente, substitute kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Pero ramdam ni Go na nasasaktan si Pangulong Duterte sa ginawa ni Inday Sara. Kasi ang gusto talaga ng Pangulo ay Presidente ang takbuhin ni Sara. Ito sana ang mag-substitute kay Bato. Eh hindi yata good ang mag-ama, hindi raw nag-uusap eh. You know…

Kaya para hindi na maghirap pa si Pangulong Duterte sa pagkampanya kay Kuya Bong Go, inatras niya nalang ang kanyang kandidatura, officially nitong Martes sa  Commission on Election sa Intramuros, Manila.

At dahil nga siguro sa tindi ng binding ng mag-amo, nagwidro narin si Pangulong Duterte sa kanyang kandidatura bilang Senador, ilang oras matapos magpunta sa Comelec si Sen. Go.

Ilang oras bago nangyari ang pagwidro ni Pangulong Duterte, inanunsyo ni Inday Sara na number one (No. 1) sa kanyang lineup ng susuportahang senatoriables ang kanyang ama.



This means hindi inintindi ni Pangulong Duterte ang endorsement ng kanyang anak. Mas nakisimpatya siya kay Sen. Go kesa kay Inday Sara.

Umpisang mag-mayo palang kasi ng Davao City si Digong ay “dakilang alalay” na niya si Bong Go. Ito ang kanyang trusted adviser, lahat lahat… Sabi nga, bago ka makarating kay Digong ay kailangan mo munang dumaan kay Bong.

Ngayong kapwa ‘di na kasali sa Halalan ‘22 ang mag-amo, maari na silang mag-relax, no more stress, hanggang matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa Hunyo 30, 2022.

Si Bong Go naman, tulad ni Bato, ay hanggang 2025 pa sa kanilang termino bilang Senador.

***

Ang inaabangan ngayon ng mga DDS (Diehard Duterte Supporters) ay kung sinong presidentiable ang iendorso ni Pangulong Duterte.

Imposible kasing si Marcos Jr. ang iendorso ni Pangulong Duterte dahil binaboy na nito ang pagkatao ni BBM, sinabihang “weak leader”, “anak ng magnanakaw na pa-milya”, “adik sa cocaine na kaya hindi nahuhuli ng pulis ay dahil sa eroplano o yate humihigop ng droga”, “maga-ling lang mag-English dahil nakapag-aral sa abroad pero walang tinapos”.

Binaboy niya rin ang pagkatao ni Manila Mayor Iskor Moreno pati si Sen. Manny Pacquiao.
Baka si Ping Lacson ang iendorso ni Digong. Puede!