Advertisers

Advertisers

P1.8m shabu nasabat sa 4 tulak sa Albay buy-bust

0 321

Advertisers

NASA P1.8 milyong halaga ng shabu (crystal meth) ang nasabat sa apat na miyembro ng Manila-based illegal drug group sa Polangui, Albay.

Kinilala ang mga dinakip na sina Celmel John Lapiz, 27 anyos; Charmaine Erlandez, 33, kapwa galing sa Los Baños, Laguna; Ronald Mendoza, 50, at Rosemarie Diana Adap, 37, kapwa mula sa Batangas City.

Sa ulat, nagbenta ang grupo ng 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P100,000 sa isang undercover agent.



Nakuha rin sa apat ang 275 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.8 milyon.

Mahaharap naman ang apat sa kasong possession, distribution, at trading of illegal drugs sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.