Advertisers

Advertisers

Pamilyang Malabonian aasenso kay “Enzo”

0 452

Advertisers

MULING ipagpapatuloy ng nakababatang Oreta ang nasimulang magagandang proyekto ng kanyang pamilya sa Malabon.

Narinig ni Konsehal Jose Lorenzo “Enzo” Oreta ang panawagan ng kanyang mga kababayan tumakbo bilang Mayor para sa 2022 elections upang ipagpatuloy ang pag-asenso ng Pamilyang Malabonian.

Kaya hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Enzo at tinanggap na niya ang hamon kahit na sa murang edad nito na 31-anyos hindi niya bibiguin ang mga umaasa sa kanya at buong puso niyang muling paglilingkuran ang mga ito.



Naging SK Chairman at matagal na Konsehal ng lungsod ng Malabon si Enzo at ngayon nais niyang ipagpatuloy ang mga nasimulan niyang mga proyekto sa pagsulong at pag-asenso ng kanyang mga kababayan sa naturang lungsod.

Marami ang nawalan ng kabuhayan at mahal sa buhay bunsod ng pandemya nais ni Enzo na muling iahon ang kanyang mga kababayan sa naging epekto ng nakamamatay na Covid-19 virus.

Plano nitong magkaroon ng 24 oras na serbisyo ang pamahalaang lungsod.

Aniya, kung ang pag-order ng mga pagkain napakabilis sa online, maaari rin magiging mabilis ang pagbibigay ng mga serbisyo ng gobyerno sa kahalintulad na sistema sa pamamagitan ng online service.

Nais din nitong bigyan atensiyon ang edukasyon ng mga kabataan at nais nitong imungkain sa konseho na mabigyan ng scholarship ang mga kabataang Malabonian simula elementarya hanggang kolehiyo. At alalayan din sila sa pagkuha ng tamang trabaho na may kaugnayan sa kanilang mga natapos na kurso.



Nais rin nitong pag-iibayuhin ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa kanyang mga nasasakupan. Para sa kanya kapag mayroon malusog na pagngangatawan ang mga tao mayroon din itong malusog na pag-iisip upang makapagtrabaho ng maayos.

Kaya nais niyang ituloy ang pag-asa, pangarap, at bayanihang nagbubuklod sa kanilang lahat bilang isang pamilya sa ilalim ng Team Pamilyang Malabonian.