Advertisers

Advertisers

Coco nagtatakbo nang lapitan ni Sharon

0 276

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NAKITA mismo ni Sharon Cuneta ang bonding ng mga kasamahan sa Ang Probinsiyano.

Kung break time naman ay todo bonding ang buong cast na nagustuhan ng Megastar.



Kaya kahit siya ay nakiki-bonding din sa kasamahan.

Kaya di na nagtataka si Sharon kung bakit maraming gustong maging bahagi ng action serye.

Nang minsang  magsama-sama habang break time naisipan ng buong cast na magkantahan sa pangunguna ni Megastar.

Pass the mic naman dahil kumakanta sila ng To Love Again ns isa sa pinasikat na kanta ni Sharon.

Nang iaabot na nga ang mic kay Coco para makipagkasiyahan sa kanilang kantahan, aba’y nagtatakbo raw ito na parang mabilis pa sa kidlat.



Kung anong tapang daw ni Cardo Dalisay sa kanyang serye, ang mic lang daw pala ang magpapayuko dito.

Napamulagat nga ang lahat ng tumakbo si Coco nang ibigay ni Sharon ang mic sa kanya  para maki-join sa kasiyahan.

***

Jessy inamin muntik nang magsara ang business

SA panayam kay Jessy Mendiola ay inamin nito nang magbukas sila ng negosyo ni Luis Manzano ay talagang muntikan itong magsara.

Isang fragrance business ang napili nina Luis at Jessy nun.

At dahil nagpandemya dahil sa Covid-19, nagpasya sina Jessy at Luis na i-online na lang ang fragrance business na Lucky & Lulu.

Sa pag-oonline naman nina Jessy at Luis at di namamalayan padami na pala ang distributors at resellers ng kanilang pabango.

Hanggang mapansin nila na lumalago na ito at muntik nang isara na kanilang negosyo ay hataw online.

Si Luis naman ang tinuturo nitong utak ng pagnenegosyo na nagustuhan na rin nito at natutuhan.

Buti na nga lang daw di napanghinaan ng loob si Jessy at umasa tru online na kikita pa rin ang kanilang itinayong business.

Well, well, well… ‘Yun na!