Advertisers

Advertisers

General Cruz: Sakla king, buriki, lansagin!

0 576

Advertisers

INIUTOS na ni PNP Region 4A Director, PBG Eliseo DC Cruz ang paglansag sa perwisyong iligal na pasugalan ng sakla sa Brgy. Sambat Padre Garcia at ang malaganap na nakawan ng produktong petrolyo sa Brgy. Banay-Banay 2 sa bayan ng San Jose kapwa sa lalawigan ng Batangas.

Maging ang mini-casino ng isang Mr. Lee at Rani sa Bilogo Mini-Cockpit sa Munisipalidad ng Taysan ay ipinasusupil na din ni Gen. Cruz.

Nauna sa kautusan ng heneral, dagsa ang mga text messages at mensahe sa SIKRETA kaugnay sa di naaaksyunang saklaan sa bahay ng isang Cesar, sa Brgy. Sambat na nasa tabi lamang ng Manion Elementary School na iniuulat pang front sa malawakang bentahan ng shabu sa Padre Garcia at mga kanugnog nitong lugar.



Nag-ooperate ito ng 24/7 kaya’t dinarayo maging ng mga drug addict. Nag-umpisa ang pasakla halos kasabay sa pag-upo sa puwesto ng bagong PNP Director General, Dionardo Bernardo Carlos.

Kahit na nga nagbigay pa ng direktiba si PNP Chief Carlos na “NO TAKE POLICY” ang kapulisan, na ang ibig sabihin ay walang sinumang opisyales at miyembro sa kanilang hanay ang tatanggap ng intelhencia o suhol mula sa mga ilegalista, ay nakapagdududang nagpatuloy din ang operasyon ng naturang saklaan na may 200 metro lamang ang layo sa Padre Garcia Police Offices.

Dedma ni Padre Garcia Police Chief, P/Capt Eduardo Timbol II at Municipal Mayor Celsa Braga- Rivera sa pasakla ni Villestas na nagbunsod sa mga residente at ilang barangay officials ng nabanggit na lugar na iparating ang kanilang hinaing sa inyong lingkod.

Agad namang ipinaalam natin kay General Cruz ang nakadidismayang sitwasyon pangkatiwasayan sa Padre Gadre Garcia.

Sa kanyang text message ngayong umaga lamang ay tiniyak ng butihing heneral na hindi nito sasantuhin ang sinumang may pakana at protektor ng nasabing iligal na pasugalan na itinuturing pang pinaka-malaking puwesto ng saklaan sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).



“Aatasan ko ang ating mga tauhan at maging si Batangas PNP provincial director,P/Col. Glicerio Cansilao na agad na salakayin ang nasabing gambling dean at kasuhan ang gambling operator at maging ang mga sugarol na mahuhuli sa nasabing saklaan”‘, ayon pa sa text message ni Gen. Cruz.

Ayon pa sa magiting na heneral hindi nito mapapalampas ang mga lisyang gawain sa gitna ng paghihirap ng ating mga mamamayan bunsod ng pananalasa ng COVID 19.

Kaya naman mabibilang na din ang oras ng malaganap na nakawan ng petroleum product sa garahe ng Benlyn Trucking sa Brgy. Banay-Banay 2, ng bayan ng San Jose na pinaaksyunan din ni Gen. Cruz.

Tiniyak din ng heneral na magsasagawa ng magkakasabay na pagsalakay ang kanilang mga opetratiba sa mga nabanggit na kuta ng saklaan at burikian.

Ngayong malinaw na sa atin ang paninindigan ng pinuno ng mahigit sa 13,000 opisyales at mga tauhan kapulisan sa Region 4A ay makaaasa ang ating mga kababayan sa nasabing rehiyon ng isang mapayapa, ligtas at maligayang kapaskuhan.

Saludo ang SIKRETA kay Gen. Cruz at Batangas PNP Provincial Director, P/Col. Glicerio Cansilao. Ating abangan…

BUDOL QUEEN NAKASUHAN, BUDOL-BUDOL SA GOBYERNO, LIGTAS!

NAGTATANONG ang ating masugid na tagasubaybay na nagpapakilalang JUAN ng Maynila kung bakit di pa nakakasuhan ang mga nambudol ng hindi lang milyones kundi trilyones na salapi mula sa kaban ng ating bayan.

Sir Cris, buti naman at nakasuhan na ang Budol Queen ng Batangas. Mabulok ka sa kulungan, gaga! Pero walang kwenta yan sir. Mas matindi ang budol sa pamahalaang Duterte na bilyon at trilyon ang nabudol mula sa kaban ng bayan. Kaya imposible pa na makabangon ang tulad naming mga mahihirap at lalo pang magdurusa. Kelan naman kaya masasampahan ng kaso ang mga sangkot sa kurakutan tulad ng Pharmally muti-trillion scandal? Wala lang. Lahat sila magkakasabwat sa budulan! JUAN PO.

***

Para sa komento:Cp # 09293453199 at 09664066144; email: sianing52@gmail.com.

 

s