Advertisers

Advertisers

Janella natabunan na si Jane sa ‘Darna’

0 456

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

IBA’T iba ang naging reaksyon ng netizens sa latest post ni Janella Salvador sa kanyang Instagram account.

Ito ay may hinggil sa pet niyang ahas na latest addition sa kanyang zoo.



Mahilig kasing mag-alaga ng aso, pusa at ngayon nga ay ahas ang Kapamilya actress.

May caption ang kanyang post na: “because two snakes are better than one. Welcoming this baby to my  zoo. His name is Valentino.”

Si Versace ang ikalawa sa mga ahas na alaga ni Janella after Versace.

Dahil sa kanyang post, may mga humanga sa katapangan ng aktres.

Kumpara raw sa ibang artista, walang takot itong humawak ng aktres at bet pang patuka at halik-halikan ang kanyang pet.



May mga tumuligsa rin sa kanya lalo pa’t may ilang kumukuwestiyon kung legal daw ba ang pag-aalaga ng aktres ng mga ahas lalo pa’t maituturing na endangered species ang ilan sa mga ito.

Hirit naman ng ilan, bahagi raw marahil ito ng immersion ni Janella sa kanyang role bilang Valentina sa Darna series ng Kapamilya network.

May ilan namang mahadera na nag-oopinyon na malamang ay bahagi lang daw ito ng promo ng kanyang upcoming fantaserye.

Sey naman ng ilan, kung gimmickry daw ang pag-uusapan, tila natabunan pa nito ang lead actress na si Jane de Leon.

Ito naman ang ilan sa mga komento ng netizens.

“I just hope she really will take care of her pet snakes, and not neglect them once the show’s over. It’s like nung pumatok ang Game of Thrones, ang daming new owner ng huskies, pero hindi nila alam how to take care of that breed and neglected them.

“Is it really safe to have a snake pet when you have a toddler though?”

“Pero kung di sya si valentina, di sya mag aalaga ng snake.”

“As long as aalagaan nila ang snakes properly, the baby will be fine. As far as I know, hindi naman kumakain ang mga snakes unless gutom na gutom tapos nanunuklaw lang pag threatened. Pero kung sasanayin naman since maliit pa sa mga tao & walang abuse na mangyayari, I think magiging great pets naman sila.”

“I love Janella pero if may baby sila sa bahay i don’t think having 2 pet snakes is safe.”

“Ang weird niya. Patuka na lang siya sa ahas.”