Advertisers
“KARAPATAN nila ang kanilang opinyon tungkol sa kung paano ko pinamamahalaan ang Maynila.”
Ito ang pagkikibit-balikat na sagot ni presidential aspirant Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domogaso sa batikos na napapabayaan niya ang trabaho dahil sa ginagawang “Listening Tours” sa iba-ibang lugar ng bansa para personal na makipag-usap sa taumbayan.
Kahit wala siya sa Manila City Hall, tiniyak ni Yorme Isko na napamamahalaan nang maayos, mahusay at matapat ang siyudad sa tulong ni Vice Mayor Honey Lacuna, mga konsehal at mga opisyal ng lokal na pamahalaan.
“Kung anoman ang gusto nilang sabihin, bahala sila, basta ang masasabi ko, hindi napapabayaan ang serbisyong matapat sa mga Manilenyo,” sabi ni Yorme Isko sa panayam ng mga reporter nitong Friday, December 10.
Sa paglilingkod sa Manilenyo, “dito sa a Maynila walang tulugan,” sabi ng kandidatong presidente ng Aksyon Demokratiko.
Aniya, maswerte siya at ang siyudad dahil may mahusay sila na bise-alkalde.
“‘Yung vice mayor ko battle-tested, si Vice Mayor Honey Lacuna. She really knows the job of being the vice mayor,” sabi ni Isko.
Tiniyak ni Yorme Isko, mahusay at “terrific”si Lacuna, sa awa ng Diyos kung mahahalal na susunod na alkalde ng Maynila.
“Basta ipagkaloob ng Diyos at taga-lungsod ng Maynila, Doc Honey will continue to build more housing, she will continue and build more hospitals, build more schools,” sabi ni Isko.
Kung alkalde si Doc Honey, tuloy-tuloy pa rin ang lahat ng ayuda at alawanses ng senior citizens, ng PWDs, solo-parents, mga estudyante ng K-12, at alawanses ng mga estudyante sa kolehiyo.
“Tuloy pa rin ‘yung mga ayuda kapag Pasko at may kalamidad, tapos ‘yun pang infrastructure development, tapos ‘yung open green space,” sabi ni Yorme Isko.
Walang dapat ipag-alala ang Manilenyo kay Doc Honey dahil lahat ng programang pinakikinabangan ay itutuloy lahat iyon.
“…Yun creating more parks and green spaces in the entire city of Manila for our environment. She knows what to do kasi she was part of it, she is part of it. Lagi siyang kasama, she knows it very well and most of these passed through the city council under her leadership,” sabi ni Yorme.
Naniniwala si Yorme Isko na karapatdapat na maging alkalde si Vice Mayor Doc Honey Lacuna na ipagmamalasakit ang trabaho, hanapbuhay at “walang kakalam na sikmura pagdating ng alas 12” ng mamamayang Manilenyo.
Mas uunahin ni Lacuna, paliwanag ni Yorme Isko ang “bituka ng tao.”
Magagawa ni Doc Honey na mabigyan ng disenteng bahay na mauuwian ang tao at magiging panatag ang buhay nila sa araw-araw at ang mga karapatan at bagay na na kailangan na makamit ng mamayan mula sa pamahalaang lungsod ng Maynila.
“Magiging maswerte ang Manilenyo, magiging terrific na mayor si Doc Honey, sa awa ng Diyos at ipagkaloob na siya ang susunod na mayor natin ng Maynila,” sabi ni Yorme Isko.