Advertisers
SINIRA ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) nitong Miyerkoles ang nasa P300 milyon halaga ng nakumpiskang smuggled na sigarilyo na nasabat mula Mayo hanggang Nobyembre ng kasalukuyang taon.
Nasa 8,250 kahon ng smuggled na yosi ang sinira sa pamamagitan ng pagbasa dito ng tubig na galing sa dalawang fire truck.
“These are seized smuggled cigarettes in separate anti-smuggling operations in Zamboanga Peninsula and Basilan, Sulu and Tawi Tawi (Basulta) from May to November this year,” wika ni BOC district collector Atty. Segundo Sigmundfreud Barte Jr.
Hindi aniya nakalusot ang mga kontrabando kahit pa gumamit ng iba’t ibang estilo ang mga smuggler gaya ng pagtatago sa mga ito kasama ng mga produkto gaya ng isda at pagkain.
Ang mga brand ng smuggled na sigarilyo ay Arthur Green, Arthur Red, Forth at Astro na ibinebenta sa Mindanao mula P20 hanggang P30 kada kaha, malayo ang presyo sa mga legal na ibinebentang sigarilyo na mula P50 hanggang P80 ang presyo.