Advertisers
Ni BETH GELENA
WALA nang problema sa pagitan ni Nadine Lustre at sa Viva Agency Management.
Nag-decide na ang aktres na i-retain na ang ‘rights to decide on image, branding’ sa Viva.
Na-settle na rin ang legal sa pagitan nila ng agency.
Ayon sa legal counsels ni Nadine na sina Atty. Gideon Peña at Atty. Eirene Jhon Aguila, “Nadine and Viva have agreed to continue their professional relationship on an exclusive basis until 31 December 2029 with Nadine retaining her rights to decide on matters in connection with her branding and image.”
Kaya ang exclusive talent ng aktres sa Viva ay hanggang 2029 pa.
“For now, Nadine and Viva remain committed and focused on providing quality entertainment,” ayon pa sa kampo ni Nadine.
May ginagawa nang proyekto si Nadine under Viva.
Isang suspense-thriller titled Greed na si Yam Laranas ang direktor.
Si Diego Loyzaga.ang makakapareha.ng aktres.
***
NAGREAK ang direktor ng Revirginized na si Darryl Yap hinggil sa.sinabi ni Xian Gaza tungkol kay Gerald Anderson.
Nag-post kasi si Xian na may kinita raw ang aktor habang naka locked-in taping ang girfriend ng aktor na si Julia Barretto.
Nito namang nakaraan araw muling may post ang social media influencer.
Aniya: “Kung ang tawag sa mga supporter ni Duterte ay DDS, sa mga supporters ni Leni ay Dilawan at sa supporters naman ni BBM ay Marcos Apologists… ang tanong ng bayan ngayon, sino ang kinita ni Gerald habang nasa lock-in taping si Julia Barretto?
Nagkomento si Darryl ng “basta, kahit ano pang gawin ni gerald, may karapatan sya. Mga DAKS lang ang pwedeng magloko. Isa sa mga ginintuang aral yan na nakuha ko kay Gina Pareno.
May netizens na hindi nagustuhan ang komento ng direktor.
Anila: “His comment may be funny to people close to him, but since he posted it on social media, he shouldn’t be surprised if people criticize him because whatever angle you look at it, no decent man, whether he is gifted or not, should cheat.”
“That joke is soooooo disrespectful and BS. Not funny, joker”
“Huh di ko gets ang logic…mga dakota lang pwede magloko tama ba? Di ko ineexpect na magcomment daryl ng ganyan.”
“Honest question, how do you really see Daryl?He’s obviously unconventional and very opinionated matched being unbounded by moral codes. So this kind of comment coming from him is not odd or surprising.”
“I think it’s his way na maliitin si gaza? Baka singlaki ng hinliliit kasi”
“Jusko e sa movies pa nga lang nya e barubal na”
“haha galit na galit mga fans ni nunal”
“Daryl’s logic/comment is a sh*t. Kahit hndi ka fan ni nunal, maaasar ka tlga sa sinabi”
“so daks tlga si gerald??? omg!!”
“Nadamay pa si gina pareno, dapat di na nya sinabi ang name, may ganyan talaga na biruan among women ( not all) but it’s really not good to see publicly”
“I never like the director to be fair his wit and comic is applauded this time. Fact check!”
***
BEA TINANGGIHAN SI RAYVER NA MAKAPAREHA
TINANGGIHAN umano ni Bea Alonzo si Rayver Cruz sa dapat sanang unang proyekto ni Bea sa GMA7.
Well, siguro ang dahilan ni Bea ay nu’ng unang lumabas ang tsismis between her boyfriend Gerald Anderson at Julia Barretto.
Nakuhanan kasi ng larawan na kasama ng aktor si Julia sa birthday ni Rayver.
Na hindi lang tsismis kundi totoo ang kumakalat na balita sa JuRald.
Dahil daw siguro dun kaya malabong makasama ng aktres si Rayver sa dapat sana’y mini-series.project na pagsasamahan nila.
Samanta, may tsikang nagkabalikan na raw sina Janine Gutierrez at Rayver.
Yun nga lang wala pa namang nagsasalita.sa kanila.
May nagsasabi rin kasing walang reconciliation na naganap sa dalawa.