Advertisers

Advertisers

Si Yul Servo lang ang puwedeng Vice Mayor sa Maynila

0 315

Advertisers

Napakaganda ng takbo ng laban ni Congressman Yul Servo bilang runningmate o bise-alkalde ng kanyang katambal na si Vice Mayor Honey Lacuna, na nakatitiyak na din ng panalo bilang susunod na alkalde ng Maynila.

Kung tutuusin, walang maituturing na seryosong kalaban itong si Servo pero pag siya ang tinanong, lahat ng kalaban ay sineseryoso niya kaya naman mangangampanya pa rin daw siya nang todo.

May mga tumatakbong bise-alkalde pero ngayon pa lang, masasabi ko nang panalo nang tiyak itong si Servo, o John Marvin Cruz Nieto sa tunay na buhay.



Si Servo, 44, ay actor at pulitiko.

Siya ay pangalawa sa walong magkakapatid Filipino actor and politician at ipinanganak sa isang middle-class na pamilya.

Nag-aral ito sa Philippine College of Criminology upang tuparin ang pangarap na pagpupulis subalit itinulak siya sa pagiging artista ng kanyang tiyuhin.

Ang kanyang stage name na Yul Servo ay pinili para sa kanya ng batiking director na si Maryo J. de los Reyes na naging daan din upang siya ay makagawa ng mga makabuluhang pelikula.

Sa kanyang batang edad ay nakapagsilbi na itong si Servo ng tatlong termino o siyam na taon, mula 2007 hanggang 2016, bilang Konsehal na kumakatawan sa ikatlong distrito ng Maynila.



Matapos niyan, noong 2016 ay sumabak siya sa labanang pang-Kongreso at siya ay naihalal bilang Congressman sa ikatlong distrito pa rin ng Maynila.

Sa kasalukuyan ay Deputy Majority Leader na siya sa House of Representatives o Kongreso.

Sa kasalukuyan, Si Servo ay tumatakbo ito bilang bise-alkalde sa Maynila, sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko ni Mayor at Presidential Aspirant Isko Moreno at lokal na partido nila ni Lacuna na Asenso Manileno.

Si Servo ay hindi basta kumakandidato na tanging pagiging artista lamang ang bitbit na kwalipikasyon.

Labindalawang taon na itong naglilingkod sa mga taga-ikatlong distrito ng Maynila at kapag may naliligaw pang humihingi ng tulong kahit taga-ibang distrito ay tinutulungan din niya sa abot ng kanyang makakaya.

Ang kanyang kakayahan at pag-aalaga bilang serbisyo-publiko ay subok na sa kanyang distrito at bilang bise-alkalde ay siguradong madali na niyang madadala sa buong lungsod ang parehong klase ng pag-aalaga sa mga mamamayan ng Maynila, lalupa’t nariyan si future Mayor Honey Lacuna na gagabay sa kanya at kagaya niya ay talaga namang wala nang dapat patunayan pagdating sa serbisyo.

Ang tambalang Lacuna-Servo lang ang totoong makapagpapatuloy ng mga inumpisahan ni Mayor Isko, na ngayon ay tumatakbo sa pagka-Pangulo sa hangaring maipalaganap sa buong bansa ang lahat ng tinatamasa ngayon ng mga taga-Maynila.

***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.