1Pacman ni Romero, sumagip muli ng 300 batang may CHD
Advertisers
MULI na namang nagbigay ng dugtong buhay si House Deputy Speaker at 1Pacman Party-list Rep. Mikee Romero sa mga batang may butas ang puso o Congenital Heart Disease (CHD) patients kahapon.
Taong-taon, katulong ang co-representative na si Rep. Eric Pineda nagsusumikap ang 1Pacman Party-list na makapagpa-opera ng mga batang may CHD upang madugtungan ang buhay ng mga ito.
“Ibang kaligayahan po ang nadarama sa tuwing kami ay nakakapag-ambag o tagumpay na nakakapaghatid tulong sa mga magulang ng mga batang may CHD. Higit 1,300 na po ang ating natulungan,” pahayag ni Romero.
Muli na tumatakbo ang 1Pacman Party-list sa Kongreso na kamakailan ay nagkaroon na ng numerong 161 mula sa Comelec.
“Patuloy po natin gagampanan ang tungkulin na tumulong hindi lang sa bansa bagkus ay sa ating mamamayan lalo na sa mga batang may CHD,” pagtatapos ni Romero na nananatiling pinaka-mayaman sa Kongreso dahil sa husay sa negosyo.