Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KASAMA sa posted pics ni Alwyn Uytingco ang kanyang mag-iina na sina Jennica, Mori at Alesi.
Kita naman sa couple ang kasiyahan base na rin sa pics sa socmed ni Alwyn.
Answered prayer naman para kay Jennica kung nangangamoy balikan na sila ni Alwyn para mabuo ang kanilang pamilya
Ikinasal ang couple noong February 2014 at nagkahiwalay.
Hindi naman tinukoy ang mga kadahilanan ng hiwalayan ng dalawa.
Sa latest post pics ng pagba-bonding ng pamilya ay marami ang masaya sa balikan nina Jennica at Alwyn.
Best gifts nga raw ngayong papalapit na ang Pasko na mabuo muli silang pamilya.
Wala naman masama kung nagkabalikan na ang dalawa at dahil na rin siguro sa dalawa nilang anak.
For sure, happy si Jean Garcia na mudra ni Jennica sa nangangamoy balikan ng anak at ni Alwyn.
Kung ang mga fanatic followers ng dalawa ay natuwa sa pictures pa lang na magkakasama ang buong pamilya, si Jean pa ba ang hindi, di ba?
***
SA 2022 pa nga raw nakaplano na magkaroon ng sariling baby ang mag-asawang Derek Ransay at Ellen Adarna.
May mga nagtatanong naman sa Africa ba bubuuin ang sarili nilang baby na plano nilang mag- homeymoon sa 2022.
May kumalat na preggy na nga raw si Ellen at pinabulaanan naman ito ni Derek.
Sa pag amin nito ay masaya sila na magkakasama sa loob ng bahay.
Pero sa 2022 nga raw next year iwo-work out ng couple na magkaroon ng sariling anak bukod sa mga unang anak nina Ellen at Derek sa mga dating partner.
Kung may Austin na anak si Derek at Elias si Ellen eh gusto naman ng aktor na lalake ulit ang maging anak nila ng sexy-actress.
Sa ngayon nga ay enjoy-enjoy muna sina Ellen at Derek at ang beybi nila ay si Elias na anak ng aktres sa aktor na si John Lloyd Cruz.
Kung bakit lalake ang gusto ni Derek ay baka raw makabugbog siya kapag babae ang anak at may manliligaw na ito.
Well, well, well… ‘Yun na!